THE TASK
Nagmamadali akong nagpalit ng damit dahil pawis na pawis ako. kagagaling lang kasi namin sa p.e subject, at ang mga bruha kong kaibigan hindi nagsipasok, hindi ko alam kung plinano ba nilang hindi sila papasok ngayon o nagkataon lang. Tinext ko sila kung bakit hindi sila pumasok wala namang nagrereply sa kanilang dalawa.
pagkatapos kong mag bihis ay agad akong lumabas ng cr, last subject namin sa morning class ang p.e at may 2hrs pa ako bago ang susunod na subject. Hays san ako magtatambay ngayon?
"Ay palaka!" Nagulat ako dahil sa taong naka tayo sa gilid ng pintuan "Gideon!? Ano nanamang trip mo?!" Makita ko lang ang pag mumukha ng lalaking 'to nabubwiset na'ko. Ang nakakabwiset na pinuno ng mga pesteng kutong lupa.
"Let's start the task" bored na sabi niya, bigla ko namang naalala ang mga task nila. Natawa ako ng isipin yun. Tumango na lang ako sa kaniya at sinundan siya habang pa-cool na naglalakad. Teka, wala bang mga klase ang mga bwiset na'to? Parang ang dami nilang free time.
Nang makarating kami sa garden ay isa isa kong nakita ang apat pa na bwiset, kumaway pa sakin si psalm habang nakangiti at nakalabas ang dimple. Nako, kahit cute ka psalm di parin maalis sakin na isa ka sa bwiset at black sheep ng University.
"Magbubunot kayo ng damo ngayon" sabi ko sa kanila habang binabasa ang list ng mga task nila.
"What!?"
"At bawal magreklamo" dugtong ko pa "at sa mga susunod pa na araw ay magbubunot kayo ng damo dahil kailangan tatlong beses niyong gagawin ang bawat task, naiintindihan niyo?"
"Why do we need to do this?" reklamo pa ni Samuel
"Pwede mo naman 'tong hindi gawin" nakangisi kong sabi kay Samuel
"Wala tayong ibang choice but to do this" biglang sabat ni Matthew
"Tama! Pwede mo namang hindi gawin 'to Samuel pero mas lalong madadagdagan yung mga task mo kaya wala kang choice"
"Tsk"
"Wala kayong choice kaya wag kayong magreklamo, so ano pang hinihintay niyo? magtrabaho na kayo"
"Deon hindi na ba talaga natin mababago ang isip ni Dean?" Tanong ni Winter kay Gideon.
"Kung kaya ko lang edi hindi na natin kailangan gawin 'to, mahirap paki usapan si tanda" walang pag asang sagot ni Gideon. Deserve niyo 'to mga pesteng kutong lupa.
"Hoy tama na ang kwentuhan! Bilis mag trabaho na kayo!" sigaw ko sa kanila, tamad na kumilos silang lahat pero isang masamang tingin ang binigay sakin ni Gideon pero nginitian ko lang siya ng nakakaloko. Magdusa kayo ngayon mga kutong lupa.
"Eto na boss" tamad na sabi ni psalm, isa isa nilang kinuha yung mga gamit na gagamitin nila. Napapangiti ako habang naka tingin sa kanila, sinong mag aakala na ang mala-anghel na mga lalaking ito na halos sambahin ng mga kababaihan dito at punong puno ng kayamanan kaso parang mga demonyo ang ugali ay magbubunot ng damo.
***
"Hindi ganyan Psalm, ganito" napa upo din ako dahil balak pa atang ubusin ni Psalm ang damo sa lupa, kulang na lang pati lupa ay tanggalin niya."Mas mahirap pa 'to sa inaakala ko" frustrated na sabi niya, para talaga siyang bata.
"Hindi naman 'to mahirap, iniisip mo kasing mahirap kaya nahihirapan ka. Try mong i-enjoy, later on madali na lang sayo ang gawin 'to. Maswerte ka nga kasi nararanasan mo ito"
"Are you saying that I should be thankful for doing this?" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumango ako sa kaniya.
"Yes, talagang dapat maging thankful ka. Kasi yung ganitong hirap, wala 'tong panlaban sa mga hirap na dinadanas ng ibang tao. At kilala mo ba kung sino yung mga taong nakakaawa? Yun yung mga taong hindi manlang nakaranas ng kahirapan"
![](https://img.wattpad.com/cover/193671695-288-k23343.jpg)
YOU ARE READING
THE EVERYTHING AND NOTHING
Teen FictionA Girl who believes she has to save everyone. A Boy who needed to be saved. What will happen when their paths crossed? |On going & unedited|