HER: Ganda ng bago mong girlfriend ah. (Siya na nga talaga siguro ang laman ng puso mo ngayon)
HIM: Yup. Maganda siya. (Pero ikaw pa rin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko)
HER: Balita ko marami daw siyang alam na pick-up lines at napapatawa ka niya. At matalino pa. (Oo. Lahat ng bagay na hindi ako. Lahat ng qualities na wala ako. Shems!)
HIM: Oo. Tama ka. (Pero walang-wala siya kung ikukumpara sa'yo)
HER: Mukha ngang andami mo ng alam tungkol sa kanya eh. (Parang kung gaano mo ako kakilala dati nung tayo pa)
HIM: Oo.. Yung mga mahahalagang bagay lang tungkol sa kanya. (Wala nga akong maalala sa mga sinasabi niya kasi pag nagkukwento siya ikaw ang nasa isip ko)
HER: Talaga? Uhmmm.. Okay. Sana magtagal kayo. (Kasi hindi tayo nagtagal)
HIM: Sana nga. (F*ck ano ba kasing nangyari satin?)
HER: Sige alis na ko. (Bago pa ako maiyak)
HIM: Ok. Ako din. (Sana hindi ka umiyak)
HER: Bye. (I still love you)
HIM: See you around. (Mahal pa rin kita)