30 DAYS

53 15 7
                                    

Sa park isang gabi...

HIM: Tayo na lang yata ang natitirang single sa class natin ano?

HER: Haha. Oo nga eh. Napansin mo rin pala yun? Lahat ng friends ko may boyfriend na. Tayo na lang yata ang wala pang special someone.

HIM: Oo nga eh. Di ko na nga alam kung anong gagawin ko. I mean, gwapo naman ako. Maganda ka naman. Pero bakit -

HER: Ah alam ko na! Let's play a game!

HIM: Huh? What game?

HER: I'll be your girlfriend for 30 days. And you'll be my boyfriend. Subukan lang natin.

HIM: Sigurado ka?

HER: Oo naman. Ayaw mo ba?

HIM: Ah-eh. Gusto. Okay. Deal.

HER: Deal.

DAY 1 OF 30

- Nanood sila ng The Fault in our Stars. Pareho silang naiyak sa first movie date nila.

DAY 4 OF 30

- Pumunta sila sa tabing dagat at nag picnic. They spent quality time together.

DAY 12 OF 30

- Pumunta sila sa isang Theme Park at pumasok sa Horror House. The girl was so scared that she wanted to hold the boy's hand but ended up holding someone else's. Nagtawanan na lang sila.

DAY 15 OF 30

- Bumalik sila sa Theme Park but this time, nagpahula sila sa isang fortune teller.

Fortune Teller: Huwag niyong sasayangin ang oras ninyo. Magpakasaya kayo. Gawin ninyo ang lahat ng gusto ninyong gawin. Sabihin ninyo kung ano ang nilalaman ng inyong puso. Tumatakbo ang oras. Mag-iingat kayo.

Then tears flowed out from the fortune teller's eyes.

DAY 20 OF 30

- Girl invited boy sa rooftop and they saw a falling star. The girl mumbled something. 

DAY 28 OF 30

- Sumakay sila ng bus pauwi. Pero dahil sa baku-bako ang daan, the girl gave her first kiss to the boy by accident.

DAY 29 OF 30

11:27 PM

Bumalik sila sa park where they first decided to play this game.

HIM: Nauuhaw ka ba? Anong gusto mong inumin?

HER: Tropicana or kahit anong orange juice.

HIM: Okay. Babalik agad ako. Diyan ka lang ah.

15 minutes later, a stranger approached the girl.

HER: Oo kaibigan ko nga siya. Anong nangyari?!

STRANGER: Nabangga siya ng kotse. Lasing yata yung driver. Kritikal ang lagay niya ngayon sa ospital.

11:55 PM

Lumabas ang doktor mula sa Emergency Room at may inabot na bote ng orange juice at isang piraso ng papel.

DOCTOR: We found this in the boy's pocket.

Binasa niya ang sulat..

HIM: Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya sa mga nakalipas na araw. Nasabi ko na ba sa'yong napakaganda mo? At alam mo habang tumatagal, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko lalo na pag ngumingiti ka. Pasensya ka na kung di ko napigilan ang sarili ko. Mahal na kasi kita. Kaya bago matapos ang 30 days natin, gusto ko sanang totohanin na natin ang lahat. Before this game ends, I would like you to be my girlfriend for the rest of my life. I love you.

The girl cried heavily and crumpled the piece of paper..

HER: Ayokong mawala ka! Mahal din kita! Naalala mo nung nasa rooftop tayo? I mumbled something when I saw a falling star. I made a wish. Nag-wish ako na sana mahal mo na rin ako kasi ako mahal na mahal na kita. I wished that we would be together forever and never end this game. Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to! I love you! Please, wag mo akong iwan!

Then the clock strikes 12. The boy's heart stopped pumping. And that ends the 29th day and marks the start of the 30th day.

HIM&HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon