Noong unang panahon, as in sobrang tagal na talaga, siguro mga 69 years ago, may dalawang lalaki na nanligaw sa iisang babae. Yung unang lalaki ay mayaman, yung isa naman ay mayaman din. Charaught! Siyempre mahirap yung isa. Ganoon naman talaga, kahit sa pelikula o sa teleserye. Kahit dito sa Wattpad. Basta walang pakialamanan, okay? So going back sa story, yung isa mayaman, yung isa naman mahirap. Yung mayaman ang pinili nung babae. Sinabihan nung mayamang lalaki yung kuyang mahirap na magpakalayu-layo at wag na silang guluhin. Nilait-lait niya pa ito at pinagtawanan. Kinaumagahan, nabalitaan ni boy-mahirap na magpapakasal na ang dalawa. Yun na ang naging hudyat para sumuko na siya at para tuluyan na niyang lisanin ang kanilang lugar. Nagsumikap siya at di nga naglaon ay guminhawa ang buhay niya. Makalipas ang maraming taon, bumalik siya sa kanilang lugar. Nabalitaan niya na nagpakamatay pala ang babaeng minamahal niya. Nakita niya ang diary nito at binasa ang liham na kalakip nito. Para sa kanya ang sulat.
"Siya ang pinili ko kasi alam kong papatayin ka niya pag sumama ako sa'yo. Patawarin mo ako. Ikaw ang mahal ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagsasakripisyo ng sarili ko at ng pagmamahal ko para sa'yo. Pero sana isang araw, mabasa mo ito at mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita."