HIM: I saw her. Maganda pa rin siya at mukha naman siyang masaya.
HER: Nakita ko siya. I felt like crying but I won't let him notice that.
HIM: May boyfriend na kaya siya? Siguro. Baka nga taken na siya.
HER: Single pa rin ako. Parang di na yata ako makakahanap ng lalaking katulad niya.
HIM: Alam ko galit pa rin siya.
HER: Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, di ko talaga magawang magalit sa kanya.
HIM: Naduwag ako na piliin siya.
HER: He's brave. Pinili niya ang babaeng mahal niya talaga.
HIM: Pinagsisisihan ko yun.
HER: Sana di niya ako iniwan.
HIM: Mahal ko siya, pero huli na. Hindi na niya ako mahal.
HER: Mahal ko pa rin siya, pero kailangan ko nang kalimutan siya.