Mahal na mahal nina Eric at Annette ang isa't isa. Pero sa di inaasahang pagkakataon, Annette died in a car accident a few days before their wedding.
Sobrang nalungkot si Eric. Halos gabi-gabi siyang umiiyak. Walang oras na hindi niya naiisip at nami-miss si Annette. Araw-gabi iyak lang siya ng iyak dahil sa sakit na dulot ng pagkawala ng mahal niya.
Dinalaw siya ng kaniyang mga kaibigan at maraming nakisimpatya. Pero ni isa ay walang nakapagpatigil sa pag-iyak nito.
Isang gabi, napanaginipan niya si Annette. Nakita niya ito sa langit, kasama ang iba pang mga babaeng kasing edad nito. Lahat sila ay nakasuot ng puti at may hawak na kandila.
Nagtaka si Eric. Lahat kasi ng babaeng nakita niya ay may hawak na isang kandilang may sindi, maliban sa mahal niya. Bakit kaya walang sindi ang hawak na kandila ni Annette?
Nilapitan niya ito at tinanong..
HIM: Bakit walang sindi ang hawak mong kandila?
HER: Pinapatay kasi ng mga luha mo ang apoy ng kandila ko sa tuwing sinisindihan ko ito. Kaya pakiusap, wag ka nang umiyak.