HER: Nakipaghiwalay ako sa kanya kanina. Sabi ko sa kanya hindi na ako masaya. Hindi niya man lang ako tinanong kung bakit. Akala ko pipigilan niya ako, pero hindi. Hinayaan niya lang ako. At sa isang iglap, nawala na ang lalaking hinintay ko nang kay tagal.
HIM: Nakipaghiwalay siya sa akin kanina. Sabi niya hindi na raw siya masaya. Masyado akong nasaktan para magtanong pa kung bakit. Gusto ko siyang pigilan. Pero ano pa bang magagawa ko kung hindi na siya masaya sa akin? Kaya hinayaan ko na lang siya. At sa isang iglap, nawala na ang babaeng pinapangarap ko.