MOTORCYCLE RIDE

43 11 0
                                    

HER: Babe, slow down! Natatakot ako!

HIM: Wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sa'yo. Trust me.

HER: Babe, please..

HIM: Akala ko ba gusto mo ng thrill at adventure? Masaya 'to babe!

HER: Babe naman eh..

HIM: Sabihin mo muna na mahal mo ako.

HER: Fine! I love you! Now, can you slow down?

HIM: Yakapin mo nga ako. Yung mahigpit na mahigpit ah.

HER: *she gave him a big hug* Ayan, pwede mo na bang bagalan ang pagpapatakbo mo?

HIM: Babe, kunin mo nga tong helmet ko at isuot mo sa'yo. Para kasing hindi ako kumportable eh. Nakakasagabal lang sa pagda-drive ko.

Kinabukasan, laman ng mga pahayagan ang isang motorcycle accident na kung saan isa ang nakaligtas, at isa naman ang nasawi.

Alam ng lalaki na nasira ang preno ng motorsiklo niya. Ayaw niyang mag-panic ang girlfriend niya kaya hindi niya ito sinabi sa kanya. Kaya sa huling pagkakataon, ginusto niyang marinig sa nobya niya kung gaano siya kamahal nito. Gusto niyang maramdaman ang mainit at mahigpit na yakap nito sa huling pagkakataon. At higit sa lahat, pinasuot niya ang helmet niya sa babae para makaligtas ito at mabuhay.

HIM&HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon