HER: Sabi niya nasa akin daw lahat ng hinahanap niya sa isang babae. We've been together for 8 years. Akala ko nga kami na talaga habangbuhay. Nagsumpaan pa kami na kahit anong mangyari, walang iwanan. May promise ring, couple watch, couple bracelet at couple shirt pa siyang nalalaman. Pero isang araw, pinaghinalaan niya ako na may iba raw akong lalaki. Niloloko ko raw siya. Hala, saan naman kaya galing yun? Ako pa talaga ang may iba? Pero pinilit niya ang gusto niya at nakipaghiwalay siya sa akin. The next day, nakita ko siya sa school with my bestfriend. They were passionately kissing. May isa kaming schoolmate na dumaan, sabi niya "One year na sila." Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Nakipaghiwalay siya sa akin para sa bestfriend ko. He broke up with me for that snake. Lingkis pa more b*tch. And I felt so dumb. Ang galing niyang mang gago. The way he would tell me sweet stuff? Tangina. Ang galing. Ang galing ng kumag. Pero kahit gaano pa katamis ang dila nila, ngayon alam ko na.. that BOYS WILL ALWAYS BE BOYS! Di na ako papaloko sa mga hayop na yan! Pwe!
- Ateng Bitter