Chapter 3

137 5 1
                                    

Shookt. That's an understatement. And overwhelmed as well. Paano ba naman kasi, she wouldn't believe that this man infront of him was the same person she met seven years ago.

Payatot, makapal ang buhok na parang pang koreano at sobrang puti pero maitim na hikaw, bracelets or tee shirts na burloloy ang inilalagay sa katawan. She couldn't believe that the same Jiro is now masculine, his hair is now well-cut, and very clean.

Technically, they've been best bud not until Jiro left without a word.

"Holy Mother of Food, where did you go?! Bakit mo ako iniwan, huh?! That's why the taste of this rissoto is so familiar! I so hate you"
habang hinahampas ito sa braso. Naging habit na niya itong gawin kay Jiro dati pa kapag inaasar nito si Luatta. At walang magawa ang matalik na kaibigan kundi ang mag-paubaya.

Afterall, may utang siya rito.

"Hey stop it, ouch, Lua, okay okay, magpapaliwanag ako. Pero not now, I have to work para naman may pang regalo ako sa inaanak ko. You didn't tell me na may anak ka na. Ni hindi mo ako nakilala, last time sa food tasting, nagtatampo ako sayo alam mo yon!" paghihimutok rin ni Jiro na parang bata.

"All right, you have a lot of explaining to do! Go away, shoo, you're disturbing me"

Nagpalitan sila ng numero. After that pinisil ni Jiro ang pisngi ng kaniyang Luatta, napasimangot naman ang huli, she stuck her tongue out para makabawi naman. Natawa sila pareho. Well that was an unexpected reunion, sa isip niya at inenjoy na lamang ang rissoto beef na niluto ni Jiro.

"Lulu, friend, I am so sorry. Medyo natagalan ang pag-uusap namin ng may-ari ng restaurant. Kaibigan kasi ni munchkin sweetie pie eh. Oh you ordered food na pala, I'll order na rin, waiter!" puno ang bibig niya, it's so rude for her to talk, kahit pa kaibigan ang kausap. And what's with that endearment. Nakaka-shiver.

"Well, this food is on the house. Turns out, iyong chef who's incharge of catering services on your wedding is my long lost best bud. Way back from Culinary School. Hindi ko nga agad siya nakilala e, well, he wasn't the same person I've met before"
Napataas ang kilay ng kaibigan matapos marinig ito mula kay Lua.

"Hmm, something is off. By any chance, did you two got into a relationship?" umusod pa ang mukha nito sa kaniya na para bang nakikichismis.

Muntikan naman siyang mabuwal sa kinauupuan. Wtf?

"What kind of question is that? You really think so? Megu, I swear to Holy Mother of Food, we hadn't been into a relationship, friends lang kami. Period. Sealed. Done." may Pinal sa tono ng boses ni Luatta. Amused na tumingin sa kaniya ang kaibigan.

"So defensive, I was just asking"

She snorted.

"Ewan ko sayo. Let's just enjoy the food, Megu"

__________

"Mommyyyyyyy" Galaxy beamed when he saw his mum coming out from the taxi. He's wearing a blue jacket, a bullcap, just like his mums.

Mahigpit ang yakap na binigay ni Lua sa anak.

"How's cooking baby?" masuyong tanong nito sa  6 years old na anak.

"Chef Tintin taught us how to bake cookies. Though I know how to bake it na kasi you taught me naman beforehand. She took alot of pictures of us" masiglang sabi nito.

Looks like her baby boy has alot of energy at hindi basta basta matutulog agad mamaya pag uwi nito.

Napagpasyahan niyang ipasyal muna ang anak sa isang Park.

"Yehey, Mommy look at that, and those, and that is so pretty-" habang hawak ang kamay ng anak ay hindi niya mapigilang titigan na lamang ito ng may ngiti sa labi.

Galaxy reminds me so much of you.

"Mommy I want Sha-war-ma?" patanong na basa nito sa isang food stall na malapit sa pwesto nila. Oh, Shawarma. Would you look at that, ng ipinagbubuntis niya ang anak ay Shawarma ang pinaglihian nito.

"Okay Shawarma it is, my Galaxy"

Habang bumibili sila ay hindi niya natiis na kuhaan ng litrato ang anak. Kaya naman kinuha niya ang kaniyang cellphone at kinuhaan ng magandang angle ito.

She posted it in her IG account, kung sa followers din naman ang pag uusapan ay masasabi niyang hindi siya pahuhuli. She has this brown eyes, bagay na hindi nakuha ni Galaxy sa kaniya, but her lashes are so tantalizing, napaka pilantik.

With a caption; My Galaxy with heart emoticon.

Nawili siya sa pag update sa kaniyang social media accounts, hindi niya namalayang nawili din ang anak sa kakatingin sa mga makukulay na ilaw sa loob ng Parke. Nagpalakad-lakad ito at hindi namalayang nawawala na siya sa kaniyang Mommy.

"Maam, two Shawarma" iyon ang nagpabalik sa reyalidad kay Luatta. Naibigay niya ang bayad ang akmang iaabot ang isang Shawarma sa anak ng marealize niyang nawawala ito.

Oh Holy Mother of Food, ang baby ko!
She calm herself, remind herself not to panic.

"Ahm excuse me, pwede bang iiwan ko muna dito ang Shawarma. Hahanapin ko lang ang anak ko"
Hindi na niya hinintay pang magsalita ang tindero.

"Galaxy baby, asan ka?" tumatambol ang kaniyang dibdib. Lintik kasi Luatta, napaka iresponsableng magulang mo. Shit. Shit. She cursed herself. This feeling is so familiar to her, so much familiar.

Nang iniwan siya ng lalaking minamahal, at ngayon naman ay ang anak niya.

Please, help me find my baby. Napapatangis na siya habang sinusuyod ang parte ng Parke na maraming makukulay na ilaw.

Oh God. Please, lead me back to my baby.

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon