Chapter 6

115 7 0
                                    

Six Years Ago

Malakas na tunog ng bell ang narinig ni Luatta pagkapasok pa lang niya sa escuelahan. Ang culinary school na pinapangarap niya.

Tutol man ang kaniyang magulang sa kaniyang gusto, pinaglaban niya ito at sa huli ay heto siya at nakatayo na sa harap ng kilalang Culinary School sa Pilipinas, ang Hi Tsuki Culinary School.

She'll spend her 3 years here in this school para magpaka-dalubhasa.

"Mom please, let me be a world class chef. I want to make desserts, cakes and sweet pastries. I never wanted to be a businesswoman. I never did" pagmamakaawa niya sa kaniyag Mama.

She recently discovered that she's good in making sweet pastries. Well, kahit naman siguro sa paghawak ng business nila na isang Cargo Ship Trading Company ay mayroon siyang potential, bagay na kinaiinggitan ng kaniyang nakakatandang kapatid. Si Marienne.

Ginagawa nito ang lahat ng ikakasama niya kung kaya't lumayo ang loob niya rito.

"Mommy, sinira ni Luatta ang binili mong dress, I heard her cursing you and Daddy dahil ayaw niyang hawakan ang business niyo" pagsusumbong nito isang umaga.
Bakas ang gulat sa mata ng magulang niya, ang iritasyon ng kaniyang Mama at ang galit ng Kaniyang Papa.

"First of all, Marienne. Nauna akong bumaba dito sa dining area. Ako ang nagluto at nag handa dahil hindi pa gising ang Yaya Mening. Second, how can you be so sure that I am the who ruin Mommy's dress eh hindi ko naman alam na may binili siyang bagong dress. And third, you're right, ayokong hawakan ang kompanya dahil gusto kong maging chef but I will never ruin mommy's dress. That's the last thing I would do"

Napailing na lang siya ng maalala ang pangyayaring iyon. Nasaan na kaya si Marienne?

Papasok siya sa room na naka assign sa kaniya ng biglang may bumangga sa kaniya.

"Aray, grabe makabangga Kuya" tumayo siya at pinag pagan ang kaniyang damit. Bahagya siyang nagulat sa postura at paraan ng pananamit nito.

"Pasensya na, hinahanap ko kasi yung room 34"

"Dun din ako papunta eh, actually nalagpasan mo na nga eh. Tara?" aya nito sa lalaki. Masaya siya dahil may kilala na agad siya kahit pa kasisimula pa lang ng school year.

"Ako nga pala si Luatta Andromeda H. Garcia. Anong pangalan mo?" nakangiti niyang tanong dito.

"Ahm, ako s-si Jiro. Jiro Heins Francisco. Pasensya na sa pag-bangga ko" nakayuko nitong sabi sa kaniya.

"Okay lang yon. Friends na tayo ha, pangarap kong makapasok dito sa school na ito, pero ayaw akong payagan ng parents ko dahil gusto nilang maging businesswoman ako. Eh hindi naman problema yun, kasi kapag tapos na ako dito magtatayo ako ng sarili kong Cafe. Ang pangalan ay Constellations. Ang ganda diba?"

"Ahm oo, maganda. Magaling hehe. Lagpas na pala tayo sa room natin. Ayaw kong pigilan ka sa pag sasalita, baka magalit ka kaya hinayaan na lang kita, pasensya na"

"Ay pasensya na, ang daldal ko kasi eh. Tara na, baka istrikto ang chef na magtuturo sa akin"

Pagdating nila ay wala pa naman ang chef nila, pero itong kasama niya ay parang asong natuklaw ng ahas dahil nanginginig. Lahat kasi ng mga tao na nasa loob ng room na iyon ay nakatingin sa kanila. Ipinagsawalang-bahala niya na lang iyon at pumwesto sa likod na bahagi ng room. Wala silang mga upuan dahil hindi naman iyon tipikal na Escuela. Mga gamit sa pagluto ang naroon, mga counter na may oven, stove at drainer.

Maya-maya ay may pumasok na middle-aged woman. Nakapang chef attire ito. Ito na siguro ang magtuturo sa amin.

"Bonjour class, I am Madame Alice Aladini, from the Italía, I will be your mentor, teacher, professor or whatever you may call. Here are your aprons, and Chef hats. Please wear it, you may put your names in it. Just go to the sewing center. Okay, here's the deal. I want you to cook something very fresh for me. It doesn't matter what kind of dish, all I want is that it is fresh, appetizing and of course, delicious. Voila! You can go to the Market Center, as soon as you got back here, start cooking. Your time starts now!"

Mabilis na umalis ang lahat. Hindi pala uso dito ang introduce yourself, sa isip ni Luatta. Tiningnan niya ang kasama niya. Animoy hindi interested sa mga nangyayari.

"Bilisan natin, mauubusan tayo ng pwedeng gawing dish" napakabagal naman kasi ni Jiro, samantalang ang mga kaklase nila ay nakabalik na.

Pagdating nila sa Market Center ay may isang guard. Hinarang sila nito upang hingin ang ID. Ibabalik daw ito kapag nakalabas na sila ng market Center.

Naghiwalay na ng landas ang dalawa.

"Fresh and appetizing huh?" maybe I can make my own dish. Pumunta si Luatta sa meat section. Halos lumuwa ang mata niya dahil lahat ng klase ng karne ay naroon. Sunod niyang pinuntahan ay ang mga isda. Napakintab ng mga ito, halatang bagong huli lamang. Agad niyang kinuha ang isang may kalakihang salmon. Pinahiwa niya ito sa lalaking nag-aabang sa may meat section. Pagktapos ay pumunta siya sa vegetable section. Kumuha siya ng bell peppers, garlic, shallots, potatoes at lemons and limes. Isang red wine at Italian seasoning.

Halos trenta minutos siya sa Market Center. Pagkakuha niya sa salmon, halos liparin niya ang exit nito. Halos magkasabayan silang lumabas ni Jiro kaya naman laking tuwa niya ng makita ito.

Okay, let the cooking begins!

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon