Prologue

690 12 0
                                    

Pawis na pawis ang dalawang magkasintahan matapos ang mainit na pag-iisa ng kanilang katawan. Ilang beses na inangkin ni Gin ang nobya at halos madaling-araw na ng matapos sila.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Luatta, ang nobya ni Gin dahil hindi niya pinag-sisihan ang nangyari sa kanilang dalawa.

"Pumpkin, thank you for this. Thank you for allowing me to take you wholly. I love you" wika ni Gin at niyakap ang kasintahan ng sobrang higpit. Hindi ko ito malilimutan, wika ni Gin sa kaniyang isipan.

"I love you too, Gin. It feels so good, because I didn't regret everything that happen to us" tinitigan niya sa mata ang binata. Napakagwapo nito, ang kaniyang mata ay kulay itim, parang nang-hihipnotismo.
Ito ang unang beses na nagtalik sila, sa apartment ni Luatta. Bumisita kasi si Gin ngunit ng paalis na ay umulan ng pagka-lakas lakas. And the rest was history. Subalit yon na pala na rin pala ang huli.

Pagkagising ni Luatta kinabukasan ay wala ng Gin sa kaniyang tabi. Nagtaka pa siya subalit mas lalong ikinakunot ng noo niya ang isang sulat na nakapatong sa unan, kung saan nahiga ang nobyo kagabi.
Kuryoso siyang napatingin sa papel na medyo gusot at basa-basa pa. Mukhang pinagmadaliang isulat ito dahil may ilang salita ang hindi niya mabasa.
Hindi niya alam kung ano ang irereact sa sulat, sulat na pamamaalam ni Gin sa kaniya. Parang nabundol ang kaniyang dibdib. Galit. Lungkot. Sakit. At pangungulila.
Masaya naman sila sa isang taon nila bilang mag-nobyo't nobya. Hindi niya alam na ganoon siya kabilis na iwan ng dating kasintahan dahil...dahil sa pangarap nito. Ni hindi man lang nag-abalang sabihin sa kaniya. Ang sulat na kapit niya ay lalong nabasa ng mag-umpisa ng tumulo ang masaganang luha.

Good bye Pumpkin, until our souls meet again.

-Gin

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon