Chapter 4 " both bad day "

8.4K 70 1
                                    

Isla de pantasya...🏝️🏝️🏝️🏝️🏝️


❤❤❤❤❤


Mga bandang 6:00am nagising si jane, masakit pa ang ulo nya at hilong hilo pa siya.

Wala doon ang boss nya, kaya dali dali syang pumasok sa banyo at naligo...

Nakakahiya,, ano bang ginawa mo jane, bat ka pumatol sa boss mo?? And take note? Ikaw pa ang nauna ha? Paano na ngayon? Paano ko ba siya haharapin? Tanong nya sa sarili.

Maya maya may kumatok sa pinto,. At nagsalita..

After you done, get to the restaurant on the groundfloor, i'll wait. Saad ng boses sa labas ng pinto..

Oh my god si sir.. Sa isip nya.

Eh sino paba? Piro sinagot nya rin ito.

Okay sir... Yon lang at narinig niyang lumabas ito sa pinto.

Saan kaya galing yon?? Ang aga nagising... Sa isip nya.

Binilisan nya ang pag shower...


❤❤❤❤❤

Nakasuot siya ng kulay ube na fitted dress hanggang tuhod at off shoulder ito...

Wala naman ako sa work ok lang naman siguro kung ito isusuot ko. Sa isip nya...

Bumaba na siya at sa elevator dumaan. Nasa 4rth floor kasi ang kwarto nila.

Pag dating nya sa ground tinungo nya agad ang restaurant dito.

Nakita nya ang boss na nakaupo sa pang apatang tao na table. May kausap ito sa phone..

Lumapit siya dito at umupo sa kaharap na silya.. Patingin tingin lang siya sa paligid, ayaw nyang tingnan ang boss nya, kasi kahit na may kausap ito sa phone, sa kanya parin naka tingin at naiilang siya talaga.

Matapos makipag usap sa phone, itinabi ito at tumawag ng waiter.

Umorder sila ng breakfasts..

About what happened last nig---- hindi pa natapos ni walter ang sasabihin pinutol na ito ni jane.

Can we just forget what happened last night sir?. Ani jane.

Ah, well yan sana ang gusto kung hinging pabor miss montes. Sana walang makakaalam sa nangyari saatin. Ani walter.

Its okay sir. Pareho naman nating ginusto kaya walang may kasalanan.. Ani jane na naka tingin sa labas at medyo na ngiti.

. You know naman miss montes i have a fiance and were engage already, ayaw kulang sanang umabot sa kanya ito. Ayaw kung magkasira kami. Saad Ni walter na naka titig sa kanya.

Piro hindi man lang siya tumingin dito.

I understand sir. Sagot nya.

Naputol ang kanilang pag uusap ng dumating ang waiter at nag serve ng kanilang order.

Nagsimula na silang kumain piro siya nag kape na lang. Nawalan siya ng gana dahil sa mga pag uusap nila.

By the way miss montes, what time ang meeting natin kay mr. Wensley?? Pukaw ni walter na nakatulalang diwa nya.

Ah, ahmmm this afternoon at 2pm sir. I already set the venue here para hindi na tayo pumunta sa ibang lugar. Sagot nya.

Well Thats good.. Im still tired and i need to rest so its better to be here. Pahayag nito habang kumakain parin.

Anong ibig niyang sabihing pagod pa rin siya.. Nakakahiya naman parang may pinatatamaan. Sa isip ni jane.

Napagpasyahan niyang bumalik na sa kwarto total mga ilang oras pa ang meeting, matutulog muna siya, hagard pa kasi ang dating nya.

Pinayagan naman siya ng boss.

Pagdating nya sa kwarto, sinubsob nya kaagad ang sarili sa kama.. Nagkumot siya. Tapos biglang hagulhol.

Nakakainis! Akala ko pag may nangyari saamin magbabago ang tingin nya sa akin. Ang bobo ko talaga, bat ba siya pa ang minahal ko, ang taas eh, langit at lupa, hindi ko maabot..

Nasasaktan ako ngayon at kasalanan kurin...

Promise, i'll stop my feelings for him. Hindi ako magpapakabaliw sa kanya..

Sa ganong pag iisip nakatulog si jane di kalaonan...

Nag alarm siya ng 1pm kaya nagising siya ng tumunog ito.

Dali dali syang naligo at ngbihis ng pormal. Wala doon sa kwarto ang boss nya. Alam naman nito kung saan kaya after nya mag lunch pupunta na siya doon.

Bahala ka kung pumunta kaman o hindi. Basta iiwasan na kita. Ayaw kunang ma palapit sayo.

I hate that i love you.! Sa isip isip nya...

Times skip....

❤❤❤❤❤

Maayos naman ang pag uusap ni walter at ni mr. Wesley.

Matapos ang meeting nila napagpasyahan ni walter na mag gala.

Do you want to go with me miss montes?

Ah, saan po ba sir?

Gagala lang... May mga magagandang place dito na pweding pasyalan.

Ah, sir kayo na lang ho. May gagawin pa kasi ako. Sagot nya.

Ahh well okay its up to you.

Umalis na si walter, at siya naman nagtungo sa kwarto nila.

Wala naman talaga syang gagawin. Pinili nya lang na mg stay kasi ayaw nya na tuluyan ng mahulog ang loob nya dito. Mas mabuti kung iwasan nalang nya ito.

Nagplay nalang siya ng soft jazz music at naupo sa sofa..

Maya maya naisipan niyang tignan ang ref kung may masarap kainin.

Magdidilim na kasi at ayaw nyang bumaba sa restaurant..  

Marami naman palang pweding kainin dito. Sa isip isip nya.

Dumako ang tingin nya sa mga alak sa table sa ketchen. May tequila...

Nag dala siya ng chips sa center table, binitbit nya ang tequila at kumuha ng lemon and salt.

Siguro ito ang magpapalimot sa naramdaman ko sa kanya. Sa isip isip nya.

❤❤❤❤❤

Sa bar naman humantong si walter.

Umorder siya ng isang shot ng nakakalasing na alak...

I cant understand my self. Parang akoyung nasasaktan ng sabihin ko sa kanyang we keep lt as a secret.

Bakit ba kasi nangyari pa yon kagabi. Bakit ba hindi ko pinigilan ang sarili ko.. Sa isip nya.

Umorder siya ulit ng isang shot. Hang gang ang dalawang shot ay naging pito...

Medyo lasing na siya piro wala pa syang balak bumalik sa hotel.

❤❤❤❤❤

Naka tatlong shot si jane at medyo lasing na siya., binuksan nya ang music at pumili ng nakakaindak na togtog..

Lumuluha siya piro sumasayaw naman siya.

Para na yatang nababaliw ako. Pinatay nya iyon at patuloy na uminom.

Pang limang shot nya. Para na syang masusuka at umikot an paningin nya,.

Bigla syang natumba sa sofa, gusto niyang tumayo piro di niya kaya.

Hanggang sa nakatulog syang nakadapa..

Almost 10pm. . . .

Naka balik narin ng hotel si walter. Piro gulat siya ng pagpasok nya nagkalat ang mga chips sa sahig, sa center table naroon ang bote ng tequila, baso, at nagkalat na lemon at asin,.

pag tingin nya sa sofa nakadapa si jane.

Dali dali nyang nilapitan ito.....

Continue reading guys and please vote.... free to comment here 😍

Author
Jingkissjing 💋💋💋

ISLAND OF FANTASY book-3 #WintersEmbrace (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon