Chapter Twenty-Seven

62 4 0
                                    

Art

Nagsimula ngang magkwento si Jack sa kung ano ang nangyari. Naghiwalay na raw sila ni Mace at ikinuwento niya sa akin ang lahat ng nangyari simula sa pagkatapos ng pag-uusap namin noon.

“Arthur, sorry kung naging selfish ako. Noong nalaman ko kasi sa iba yung ginawa mo, inisip ko na, bakit naman niya magagawa yun eh magkaibigan kami? Pero noong nanggaling na mismo sa’yo, hindi ko na alam kung ano ang tama at mali.” Panimula niya, hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy lamang siya sa pagpapaliwanag.

“Mas nangibabaw talaga yung galit ko kaya wala na talaga akong pakialam kung ano ang masabi ko. Kasi noong mga sandaling iyon, ang iniisip ko na lang talaga ay yung sarili ko. Inisip ko na binackstab mo ‘ko, na sinisiraan mo si Mace sa mga tao kahit na hindi mo alam yung totoo. Inisip ko na gumagawa ka lang ng kwento kasi inisip ko rin na ayaw mo talaga kay Mace. Pero ako pala yung hindi alam ang totoo, at siguro ‘dun nanggagaling yung galit ko.

“Noong mga sandaling iyon, talagang ang tumatakbo lang sa isipan ko ay, bakit mo nagawa yun? Ayaw mo ba akong sumaya? Wala ba akong karapatang sumaya kaya kailangang mawala yung taong pinagmumulan ng kasiyahang nadarama ko?”

Sinubukan kong ibinuka ang aking bibig upang magsalita sana pero agad ko rin itong isinara dahil alam kong hindi pa siya tapos magsalita. Pinili kong makinig na lang muna.

“Sorry, kasi hindi kita pinakinggan. Magmula noon wala na talaga akong pakialam sa’yo. Ang naisip ko, basta masaya ako, okay ang lahat. Para bang lahat ng kasiyahan sa mundo, gusto kong sa akin lang. Hindi ko inisip kung ano ang nararamdaman mo. Hindi ko ikinonsidera kung ano man yung naging rason mo. Wala akong ibang gusto noon kung hindi ang kami lang ni Mace. At inisip ko na kahit na mga kaibigan ko pa ang kapalit, basta makuha ko ang kasiyahang gusto ko. Ayos lang.” Saglit siyang tumigil, siguro upang huminga.

“Pero paglipas ng ilang buwan, para bang nararamdaman ko na may kulang. Na parang, yung kasiyahang nararamdaman ko… kulang.” Sambit niya.

“Hindi ko alam kung ano yung kulang eh. Pero hinayaan ko lang. Kasi ang iniisip ko, masaya ako at wala akong problema. Pero ang totoo, meron talaga. Inisip kong okay lang ang lahata, pero hindi naman talaga. Alam mo bang lagi kaming away-bati ni Mace? Yun bang kaunting bagay lang, pinagtatalunan. Kaunting mali ng isa, away ulit. Pati mga walang-kwentang bagay pinagtatalunan. Pero hindi naman nagtatagal ang mga bangayan naming iyon eh. At inisip ko na normal lang naman iyon sa isang relasyon. Kaso parang hindi normal, kasi paulit-ulit na lang.

“Tapos naalala ko yung sinabi mo. Na nalaman mong mahal pa ni Mace yung ex niya. Pero dahil galit na galit pa rin ako tuwing naaalala ko yung pangalan mo, ayokong isipin yung mga sinabi mo.

“Kaso palagi ko siyang nahuhuli na may kausap sa telepono, tapos tawa siya nang tawa. Para bang ang saya niya. Tapos kapag magkasama naman kami, nakahawak lang siya sa telepono niya imbis na yung kamay ko sana ang hawak niya. Parang may bumabagabag sa isipan ko noon eh, pero ayokong pansinin. Mas pinili kong ipikit aking mga mata. Ayokong isipin na may mali, na may problema kami. Kasi mahal ko siya. At kapag may tiwala kayo sa isa’t isa, hindi niyo dapat kinukwestiyon ang pagmamahalan niyo.”

Tila tinamaan ako sa huling sinabi ni Jack, pero tumatango-tango lang ako at kapag lumilingon siya sa akin habang nagsasalita. Sinusubukan ko rin siyang ngitian nang mapait.

“Isang araw, lumabas kami. Habang hinihintay namin yung order namin, nagbanyo muna siya. Tapos saktong naiwan niya yung telepono niya sa table namin. Ayoko sanang pakialaman kaso may nagtext sa kanya. Hindi naka-save yung number pero sinabi dun yung araw kung kelan at saan sila magkikita. Edi syempre talagang nagtataka na ako, at sa sandaling ‘yun, malakas na talaga ang kutob ko.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon