Chapter Four

373 13 1
                                    

Art


Anong kalokohan ba 'to? Hindi mo naman siguro kayang magustuhan ang isang katulad ko? Hindi ba?

Hindi na 'ko nakasagot pa sa kanya at agad ko nang pinatay ang telepono ko. Sa pagkakataong iyo, halo-halo na ang nararamdaman ko. Parang masaya ako sa sinabi niya na "I like you." Pero mali eh, maling-mali talaga.

Hating-gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Kakaisip. Bakit ba simula nung nakilala ko siya, simula na rin ng pagkakabuhol-buhol ng utak ko? Madilim sa kuwarto ko at gising na gising pa rin ako. Bukas na bukas ang aking mga mata. Nakatitig sa kawalan. Napapaisip. Napapatanong. Mga saloobing paulit-ulit na bumabagabag sa aking pagod na pagod nang utak.

Oo, kung mamarapatin ay talaga namang masaya ako pag nakakausap ko siya. Pero nangangahulugan din ba ito na nagugustuhan ko na rin siya? Kasi naisip ko lang na hindi naman ako ganito ka-apektado kung hindi diba? Sige, siguro nga gusto ko siya. Hindi "siguro". Gusto ko siya. Hindi ko maaaring palagi na lang itong ikaila kasi sa tingin ko mas maguguluhan lang ako. Iyana ng isang bagay na positibo sa ngayon, ngunit hindi isang-daang porsiyento

Pero posible bang magkagusto sa isang taong hindi mo pa naman nakikita sa personal?

Siguro'y sapat na yung pagkagusto ko sa kaniya para dalawin ako ng kuryusidad at subukang usisain ang mga ganap sa buhay niya. Na parang gusto kong makapasok sa personal niyang buhay at ibig malaman ang ilan pang mga hindi ko nalalaman tungkol sa kaniya.

Bakla na ba ako dahil sa pagkakaroon ng pagkagilis sa kapwa lalaki? Homosexual? Bisexual? Alam ko ang mga terminong ito, 'di naman ako ganun kabobo para mapaglipasan ng panahon dito sa mapanghatol na lipunan hindi ba? Pero siguro oo. Kaso nawiwirduhan na 'ko sa mga pangyayari. At ayokong tatakan ang sarili ko bilang anuman. Lalaki pa rin ako.

Pagod na 'kong mag-isip at gusto ko nang ipahinga ang katawan ko. Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na matulog. Kaso hindi ako makuhang dalawin ng antok eh. Paulit-ulit pa sa isipan ko yung boses niya habang kumakanta. Yung mga sinabi niya sa'kin. Yung mukha niya. Siya.

"Take a piece of my heart..."

"Seriously, I care for you."

"Because I like you."

Nababaliw na yata ako. Maiiyak na 'ko kasi sobrang antok na 'tong nararamdaman ko pero 'di ako makatulog. Hinayaan ko na lang siyang manatili muna sa isipan ko para sa gabing ito. Pero dahil nga sa antok na antok na talaga ako, hindi ko na namalayan at nakatulog na rin ako.

Paggising ko kinaumagahan, nakalimutan ko siya sa loob ng isa o dalawang minuto. Pero nang abutin ko ang aking telepono, may iniwan siyang mensahe kagabi.

"Don't get me wrong. I like you not just as a friend. I like you, as you. Good night. *kiss emoji*" Napangiti ako nang wala sa oras.

"Did you know that you never fail to make me smile? Good morning :)" Mensahe ko sa kanya.

Bumangon na muna ako, naligo at nagpalit ng uniporme. Habang kumakain ng agahan ay sumagot siya.

"It's nice to hear that."

Habang nagtatype ako, bigla siyang may ipinadalang litrato. Larawan ng mukha niyang nakanguso at nakapikit yung mga mata niya. Para bang nagpapacute na humihingi ng halik, sabay sabing "Good morning! :)"

Sumilay na naman ang ngiti sa 'king labi. Pero mabilis kong iniling ang ulo ko na para bang natauhan sa mga pangyayari. Ano ba to? Bakit ba pa-effort naman yata siya masyado at kumuha pa ng larawan, eh nung binisita ko yung profile niya, ang hirap makahanap ng litrato niya, tapos eto at siya na mismo ang nagpadala. O baka naman kasi pinapadala niya yan sa lahat ng mga nakakausap niya.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon