Chapter Ten

232 9 0
                                    

Art


Labis ang aking pagkahumaling sa tanawing nasa harapan ko. Habang nakatitig sa paglubog ng araw ay talagang hindi ko mapigilan ang pagngiti ng aking mga labi. Walang kapintasan ang kalangitan na sinabuyan ng kulay pula, kahel at lila. Para bang ipinapahayag na mismo ng takipsilim ang eksaktong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam na alam niya ang aking damdamin at siya na mismo ang nagpinta nito sa kalawakan ng asul na kanbas.

"Ang ganda no?" Sa aking pagkalula sa kagandahan nito ay hindi ko napansing tinabihan na pala ako ni Joaquin.

"Sobra." Tipid kong sagot sa kanya. Nasa mga mata ko pa rin ang gayuma nang mga pagkakataong iyon.

"Gusto mong manirahan dito no?" Tanong niya na para bang nababasa ang iniisip ko. Pero hindi naman ako nagtaka dun dahil kitang-kita naman ito sa aking reaksiyon. Labis ang aking pagkahumaling sa ideyang maninirahan ako malapit sa tabing-dagat. Yung magsisimula ang araw-araw at magtatapos din ito sa ganitong tanawin. Napakalabis ng aking hinagap.

"Syempre naman ano. Ang sarap sigurong manirahan dito. Sino bang hindi magugustuhan ang manirahan sa kagaya nito? Ang swerte mo nga eh, nakakainggit. Araw-araw na ganito yung sasalubong sa'yo. Tapos napakaganda pa nitong bahay niyo." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah hindi naman namin 'to bahay eh. Actually mali tayo ng pinasukang bahay." Sambit niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Syempre biro lang 'di ba? 'To talaga." Akmang magbibigay na sana ako ng isang napakabayolenteng reaksiyon pero agad namang binawi ang sinabi nang maramdaman na niya ito.

"Pero hindi talaga ito yung bahay namin, kumbaga rest house lang 'to or something. Naisipan ko lang kasi na baka mas magustuhan mo rito kaysa sa bahay namin." Dagdag pa niya, at hinampas ko nang mahina ang braso niya sabay kunot ng noo bilang tugon sa nauna niyang sinabi.

"Ikaw ah." Sambit ko at binigyan ko siya ng kunwaring naiinis na mukha.

"Pero salamat, nagustuhan ko talaga dito. More than you'll ever know." Hindi ko na pingilan ang pagkawala ng masayang ngiti sa aking labi.

"Halata naman sa mukha mo kahit hindi mo sabihin eh." At tumawa lang siya. Hinampas ko ulit siya nang mahina sa braso, pero mas malakas nang kaunti sa nauna. Mapang-asar talaga 'tong taong 'to.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya sa'kin.

"Dinner?" Tanong ko.

"Oo."

"Masyado pa naman yatang maaga para sa dinner. Samahan mo na muna ako ditong panoorin itong sunset." Sambit ko habang paupo sa pinakamataas na baitang sa hagdanang pababa at patungong dagat. Tinatapik-tapik ko ang espasiyong nasa pagitan ko at ng haligi, senyales na inaanyayahan siya upang maupo sa aking tabi.

At umupo naman siya sa tabi ko nang biglang tumunog ang tiyan ko na siya namang naglagay ng pilyong ngiti sa kanyang labi. "Sigurado kang 'di ka pa gutom?" Tanong niya. Pero hinayaan ko lang siya at hindi na sumagot kundi tumunganga lang sa kalangitan.

"Hoy sigurado ka?" Pag-alog niya sa'kin at nadama ko ang pagmamalasakit sa boses niya.

Tinitigan ko lang siya at binigyan ng blangkong ang ekspresyon ang aking mukha. Pinagmasdan ko ang mukha niyang OA sa pag-aalala at mukhang seryoso nga siya. "Ano nga?" Tanong niya.

"Oo, silence means yes ano ka ba. Hindi dapat namimiss yung mga moment na kagaya nito." Paniniyak ko dito at saka nagpakawala ng isang kindat.

Nang walang pagkukusa ay bigla na lang akong napa-hum nang mahina. Sinabayan naman niya ito at natuwa naman ako dahil alam niya rin pala ang kantang ito.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon