Chapter Two

475 24 0
                                    

Art


Sa aming pag-uwi, labis ang pagkainis ko kasi andami na namang tumatakbo sa isipan ko. Magulo talaga. Ibig sabihin kung hindi siya yung mismong kumuha ng numero ko na binigay ng katabi kong adik, may iba pang tao sa bus na nakakuha ng numero ko, at si Joaquin yun. At ang pinakamalala, baka marami pang ibang nakakuha at hindi lang siya.

Pagdating namin ng bahay, bumaba na kaagad ako ng sasakyan at dumiretso sa kuwarto ko. Binuksan ang ilaw, nagsiliparan ang aking mga gamit sa kung saan-saan, nagtanggal ng sapatos, hubad, palit ng damit, nahiga.

Kailangan ko munang magpahinga, pagod talaga ako sa biyahe. Kahit na natulog lang ako buong biyahe, kailangan ko pa rin ng mahabang pahinga. Kailangan nating lahat. Ipinikit ko yung mga mata ko at ayun na yun, nakatulog na 'ko agad.

-----

Pagdilat ng mga mata ko, madilim ang paligid. Wala ring liwanag mula sa bintana na nanggagaling sana sa labas. Ibig sabihin ay gabi na, naparami ang tulog ko. Inabot ko ang aking telepono para sana tignan kung anong oras na at para tignan na rin kung may mga sumunod pa siyang mensahe pero namatay na pala yung telepono ko. Kinuha ko yung charger tsaka ito isinaksak. Dahil matagal pa bago ito bumukas, bumaba muna ako kasi talagang nagugutom na ako at tsaka sobrang nauuhaw na rin ako.

Kumain ako ng tanghalian at hapunan, basta marami-rami yung kinain ko. Pagbalik ko ng kuwarto, parang inaantok pa rin ako. Bukas na yung telepono ko at nakita kong may 16 unread messages, galing sa hindi nakarehistrong numero na kanina ko pa kausap. 'Di ko pa pala napho-phonebook yung numero niya. Binuksan ko yung mga ipinadala niya.

"Heyyy, still there?"

"Uy ba't di ka na nagrereply?"

"Walang load?"

"Namatay ang phone?"

"O baka naman nainis ka sa'kin kasi kinuha ko yung number mo?"

"Sorry na."

"Uy sorry naaaaa. Kumain ka na ba?"

"Hmmm."

At marami pa, puro pangungulit lang yung messages niya. Nagtataka kung ba't di na'ko nagrereply, medyo OA pero iniwan ako nitong nakangiti. Hindi ko alam pero naku-cute'an ako dito. Yun bang parang nag-aalala siya agad kahit hindi pa naman kami ganoong magkakilala. Pakiramdam ko ay parang may gustong makipag-usap sa akin dahil sa mga salitang nanggagaling sa akin. Nananabik para sa aking mga itutugon. Ay grabe.

Ganun pala yung pakiramdam. Naramdaman ko na gusto niya talaga akong kausap dahil dun sa messages niya.

Isang rason sa kung ba't 'di ako nagreply kaagad ay para paghintayin siya. Tignan kung ano yung pakay niya at medyo nainis din ako kasi bakit ba niya kinuha yung numero ko kung alam naman niya na hindi para sa kanya yun? At isa pa bwisit na bwisit ako dun sa kaibigan ko. Pero siguro nga magpapasalamat na rin ako sa kanya? Hay nako ewan.

Nanginig na lang muli ang telepono ko at may natanggap na naman itong text message mula sa kanya.

"I guess you're asleep, good night na po, bukas na lang ulit. Matutulog na rin ako. Tsaka sorry talaga sa nagawa ko. It was great talking to you :) "

Gusto ko sana siyang tugunan at sabihing gising pa 'ko at huwag muna siyang matulog pero wala na nga pala akong load. Nagdalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi. Ngunit parang kusa namang tumayo ang mga paa ko at nagtungo ito sa mga tsinelas ko. Lumabas ng kuwarto at kinuha ko yung bisikleta ko.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon