Chapter Eighteen

118 6 0
                                    

Art


Pagkatapos naming kumain ni Joaquin ay lumabas na rin kami mula sa aming kinainan. Naglakad-lakad lang kami, hawak na ice cream na binili ni Joaquin. 

Nagkwento na lang ulit siya at paulit-ulit akong tinatanong kung ayos lang ba ako? Nabusog ba ako kanina? Simple lang ang mga itinatanong niya sa akin pero talagang napapangiti ako. Hay naku, Joaquin. Bakit ba kasi may nagmamay-ari na sa'yo?

"'Yan na ba yung pinamili mo?" tanong niya sa akin sabay turo sa hawak kong brown na paper bag.

"Ah, oo. Pero para 'di ako satisfied eh. Pwede bang dumaan tayo saglit mamaya 'dun sa bilihan sa bayan na nakita natin kanina? Tsaka gaya ukit sana kanina na hayaan mo lang muna akong mag-isa habang mag-iikot ikot ako dun, ayos lang?" Tanong ko habang sinusubukang itago ang hawak ko.

"Oh sige."

Tumango ako mula sa sinabi niyang iyon at saka siya binigyan ng ngiti. Tahimik lang ulit kaming pareho habang naglalakad. Bakit ba parang ang tahimik niya ngayon at hindi siya kagaya ng kanina na madaldal at makulit?

"Joaquin may gusto pala akong gawin." Sambit ko sa kanya.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Pwede ba tayong mag-camping mamaya? Sa tabi ng dagat. Ang exciting 'nun!" Nagagalak kong sabi sa kanya.

"Oh sige, kung yan ang gusto mo." At sa sagot niyang iyon ay doon na ako nagsalita.

"May problema ba Joaquin?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at binigyan niya lamang ako ng nagtatakang pagtitig.

"Kanina ang saya-saya mo tapos ngayon naman parang ang tamlay mo, parang ayaw mo kong kasama eh." Dagdag ko pa.

"Hindi ah, ikaw yata 'tong ayaw akong makasama eh. Kasi ayaw mong samahan kita sa kung saan ka man pumunta kanina. Tapos mamaya na naman. Ayos lang naman ako." Paliwanag nito sa akin. Hay naku, inaatake na naman 'to ng pagiging ewan niya.

"Seryoso ka, Joaquin?" Tanong ko sa kanya nang natatawa. Para na naman kasi 'tong bata eh. Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong ugali niya.

Sa halip na sumagot ay sumimangot lang ito na parang naiinis. Ilang sandali pa ay ipinahid niya ang ice cream na hawak-hawak niya sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon ngunit sahil 'dun ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at saka ito tumawa.

Nanatili lamang ako sa pagkakatayo nang bigla ko ring isaksak naman sa bunganga niya yung hawak kong ice cream. Nang dahil dun ay natigil siya sa pagtawa pero nang makita niya akong natatawa ay tumawa ulit siya. Para kaming mga bata na magkakatampuhan dahil sa kaunting hindi pagkakaintindihan pero magkakabati rin maya-maya.

Kinuha niya mula sa'king kamay ang ice cream at saka ito sinimulang kainin. Patuloy lang ako sa pagtawa nang iabot niya rin sa akin ang isa pang ice cream na hawak niya Kukunin ko na sana ito ngunit inilayo niya.

"Ah." Sambit nito nang nakanganga. Gusto na naman pala akong subuan. 'Di na 'ko nag-inarte at hinayaan na lang siya sa kagustuhan niya. At nang magtama ang aming mga mata ay nagpalitan kami ng mga ngiting mas matamis pa sa kinakain naming ice cream.

Dumaan kami sa CR at habang patungo kami dun ay pinagtitinginan kami ng mga tao na para bang natatawa sa mga hitsura namin.

Matapos mag-CR ay napagdesisyunan naming bumalik na sa sasakyan at kagaya nga ng sinabi ko kanina ay dumaan nga kami sa bayan.

Pagdating namin sa bayan ay nauna akong bumaba ng sasakyan. Sinabi ko naman kay Joaquin na hihiwalay muna ako sa kanya at nagtungo sa mga pamilihan.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon