Chapter Sixteen

146 8 0
                                    

Art


Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay binuksan ko na rin kaagad ang ilaw ng kwarto.

"Ayos ka lang?!" Sigaw ko kay Joaquin na siyang kanyang ikinagulat.

"OA lang? Ayos lang ako. Relax!" Sabi naman niya.

"Eh ano yung ingay na 'yun?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi kasi ako kumportable sa pagkakahiga ko kanina, eh may nahigaan pala akong libro. Tapos inihagis ko sa lamesa. Eh ang kaso madilim, kaya ayun. Natamaan ko yata yung lampshade, kaya nahulog." Paliwanag niya nang may mahinang pagtawa.

"Akala ko naman kung ano na." Nakasimangot kong sabi sa kanya pero nawala na rin ang aking kaba.

"Tsaka hindi ako makatulog eh." Dagdag pa niya.

"Sige, sasamahan na lang muna kita hanggang sa makatulog, saka na lang ako babalik sa kwarto." Sambit ko naman sa kanya na siyang nagpangiti sa kanya.

Nagtungo ako sa tabi niya ngunit nang makaupo ako sa kama ay inayos naman niya ang sarili niya at binigyan ng espasyo ang kanyang tabi. Senyales upang tabihan ko siya sa pagkakahiga.

Nagdalawang isip muna ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Pero binigo ako ng aking bunganga at naglabas ito ng malapad na paghikab. Napatawa siya nang mahina.

"Oh, inaantok ka na. Samahan mo na lang akong matulog dito." Sabi naman niya nang may paglalambing sa boses.

"Sige na nga! 'Wag kang gagawa ng kalokohan ah?!" Pasigaw kong sagot sa kanya at saka tumabi sa kanya.

"Ako?! Baka ikaw!" Tugon niya nang nakangisi. Pagkaupo ko sa kama ay kumuha ako ng unan at saka inilagay sa gitna namin bilang harang.

"Grabe ha? Diring-diri? Kunwari ka pang napipilitan ka eh gustong-gusto mo rin naman akong makatabi." Pang-aasar pa niya sabay tawa nang mahina.

Totoo nga. Gusto ko nga. Ngunit sa halip na sumagot pa ako ay inirapan ko na lamang siya at saka siya tinalukuran.

Nararamdaman ko ang malalapad niyang pagngiti kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mapangiti. Ewan ko ba kung anong ipinaglalaban ko at nilagyan ko pa ng unan ang pagitan namin, eh ang sikip-sikip na nga ng kama. Halos mahulog tuloy ako sa posisyon ko.

Pero ang mas hindi ko maipaliwanag ay kung bakit kahit gaano kasikip ay napakakumportable ako sa posisyon kong iyon.

Mga ilang sandali pa ay natahimik na rin siya sa kakahagikgik niya, siguro'y napagod na rin at nakatulog na.

-----

Hindi ko akalaing napahimbing ako sa pagtulog sa ganoong posisyon. Pagmulat ng aking mga mata ay alam kong maaga pa dahil hindi pa sumisikat ang araw ngunit may liwanag na nanggagaling sa labas. Naramdaman kong sobrang kumportable ako sa aking pagkakahiga at yakap-yakap ang unan na nasa pagitan namin kagabi nang mapagtanto kong wala nang Joaquin sa'king tabi.

Napaupo ako sa kama at napakamot ng mata habang humihikab. Napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto dahil baka kanina pa 'ko hinihintay ni Joaquin. Siguro'y nagkakape na siya o kaya naman kumakain na ng agahan.

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina. Ngunit wala namang tao doon. Saan kaya siya nagpunta? Imposible namang lumabas siya upang bumili ng agahan namin, andami pa namang stock ng pagkain sa pridyider nila.

O baka naman dahil sa nasa loob lang siya ng kwarto kahapon ay naisipan niyang lumabas at siguro'y, maglakad-lakad? Magjogging? Ewan.

Lumabas ako mula sa pintuan sa likod ng bahay upang doon ko na lamang siya hintayin. Gusto ko kasing panoorin ang pagsikat ng araw. Pagkaupo ko sa may maliit na hagdanan ay napahikab muli ako. Pagkatapos ay may nakita akong mga bato sa harapan ko. Pinagtabi-tabi ang mga ito upang makabuo ng arrow na nakaturo sa isang direksiyon.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon