Chapter Twenty

126 5 1
                                    

Art



Matapos ang aming masintahing pagtatalik ni Joaquin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naging kumportable kasi ako sa aking posisyon mula sa pakakayakap niya sa akin. Habang ako'y nakaunan sa kanyang dibdib ay parang hele sa aking pandinig ang bawat pagtibok ng kanyang puso.

Nakapulupot sa akin ang kanyang kanang bisig. Yakap niya ako nang mahigpit at ramdam ko ang paghalik niya sa aking ulo. Banayad naman ang paghaplos ng kaliwa niyang kamay sa aking leeg, papunta sa aking buhok.

Sa mga oras na iyon ay ramdam ko kung gaano ako ka-protektado sa kanyang mga bisig. Nakampante ako sa kanyang pagkakayakap dahil alam kong kahit ano man ang mangyari ay pareho kaming mananatili sa piling ng bawat isa.

Muli kong naalala ang mga pangyayari kanina. Mula sa dahan-dahang paggapang ng kanyang mga kamay patungo sa aking hita, hanggang sa makarating ito sa aking baywang patungo sa aking balikat. At bago nito marating ang akig mga pisngi, binigyan niya ako ng ngiting aking mapagkakatiwalaan.

Talagang wala akong ideya sa kung ano ang dapat na ginagawa sa mga ganitong sitwasyon. Kaya hinayaan ko na lamang siyang gabayan ako at sumunod sa bawat galaw niya. Nagpalunod sa nag-uumapaw naming mga damdamin.

Sinimulan niyang hubarin ang aming mga damit hanggang sa tanging maliit na tela na lamang ang nakasaplot sa aming mga pribadong parte. Walang kamali-mali ang kanyang mga kilos dahil nang muli niya akong yakapin ay hindi ko namalayang hubo't hubad na pala ang aming mga katawan. Nag-isa ang aming mga pawis. Balat sa balat. Hininga sa hininga. Mga labi sa labi, leeg, pisngi at tainga,

Sunod-sunod at walang humpay ang kanyang mga iniiwang halik at sinuklian ko naman ito sa paraang alam ko. At sa bawat itinatanim ng kanyang mga labi sa lahat ng parte ng aking katawan ay para bang napakasimple at musmos ng dating ngunit gayon pa man ay nandoon ang pagiging mapang-angkin. Tila ba ako'y minamarkahan at ipinapahiwatig na magmula sa mga oras na iyon ay siya na ang nagmamay-ari sa aking katawan at pati na ang puso't kaluluwa.

Halo-halong emosiyon ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Takot at pananabik. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay mas nangingibabaw ang ligaya.

Hindi nawalay sa aking mga mata ang kanyang nagniningning na pagtitig. Siguro'y nakapinta sa aking mukha ang nararamdaman kong kaba dahil hinalikan niya ako nang sobrang diin at kanyang ibinulong sa akin na, "Hindi naman natin 'to kailangang gawin kung hindi ka pa handa." At muling hinalikan ang aking pisngi.

Sa binitawan niyang iyon ay napangiti ako at hinalikan ko rin siya pabalik. Sa paraang iyon ay tila nawala ang takot sa pag-aakalang baka ito lamang ang habol niya sa akin. Ngunit alam kong nag-aalala siya sa akin - sa kung ano man ang maaaring mangyari sa akin. Ayaw niya akong masaktan. Pero handa na akong harapin at danasin ang kung ano mang hapdi at kirot na maaaring ihatid nito.

Habang siya'y nasa aking ibabaw ay kinandado ko ang aking mga binti at braso sa kanyang makinis at matipunong katawan. Niyakap niya rin ako nang mahigpit at patuloy siya sa paghalik sa aking leeg, pisngi at labi.

Dahan-dahan siya at nandoon ang pag-iingat sa bawat kilos na kanyang iginagalaw. Doon ko naramdaman ang magkahalong sakit mula sa kanyang pilit na pagpasok at sarap ng kanyang idinadamping mga paghalik.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng isang butil ng luha at doon ko nakita ang pagka-alarma sa mukha ni Joaquin. Pero hinalikan ko lamang siya nang madiin kasabay ng pagsilay ng ngiti sa'king labi at binulungan siyang ituloy lamang niya. Pumatak ito hindi dahil sa pagsisisi kundi dahil sa labis na kaligayahang aking nadarama.

Masakit, tila tinatanggalan ako ng mga laman-loob. Pero gusto kong ipagpatuloy niya dahil ayoko siyang bitinin. Ayoko siyang biguin kahit pa sinabi na niyang hindi naman namin ito kailangan gawin. Gusto kong pawiin ang tawag ng aming mga kalamnan sa makamundong bagay na ito. Alam kong hindi lamang sakit ang hatid nito sa'kin.

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon