Elementary pa lang
Napapansin na nila
Mga gawi kong parang
Hindi pambabae e kasi
Imbes na chinese garter,
Laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon
Mga sigang lalaki sa amin
Nung ako'y mag high school ay
Napabarkada sa mga BI
Curious na babae na
Ang hanap din ay babae
Sa halip na makeup kit
Bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay
Long sleeves na t-shirt
At faded na lonta
Pero noong nakilala kita
Nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond
At mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na
Sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala
Ang bibihag sa tulad kong
Tigreng gala
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok
Pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak
Na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap
Nung tayo'y nag-college ay
Saka ko lamang binigay
Ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate
At tipikal na mga diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula
At sa mga kanta mong pabebe
Kaya nga noong makilala kita
Alam mo na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong
At napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
Pero 'di mo naman inasam na ako
Ay magbagong tuluyan
Para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape
Ng iyong pagmamahal
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok
Pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae
Ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap
BINABASA MO ANG
LYRICS
Sonstiges»songs lyrics english and tagalog« ★If may request po kayo magmessage lang kayo or magcomment! Thankyou...Labyuall♡
