Share ko lang sa inyo.

45 0 0
                                    

   Alam mo ba yung feeling na ayaw mo syang saktan, pero kahit anong pilit mo, kahit anong gawin or isipin mo, hindi mo magawang sumaya sa piling nya? Alam mo ba yung feeling na halos lahat ng nasa paligid mo boto sa kanya para sayo? Yung tipong alam mong safe yung puso mo sa kanya. Yung kahit masaktan ka nya, alam mong deserving sya sa mga magiging sacrifices mo. Yung ikaw mismo alam mo na hindi ka nya sasaktan na katulad ng iba. Yung ang tagal nyang hinintay yung ganitong pagkakataon na parehas kayong magiging malaya, at mapagbibigyan na makapiling ang isa’t-isa. Minsan pa kahit FRIENDSHIP handa nyang isakripisyo para sayo.

  Hindi ko sya kayang saktan, kaya hanggat maari tinatry ko yung best ko para mahalin din sya tulad ng pagmamahal nya sakin. Sa totoo lang, madaming naiinggit sakin dahil ako daw ang mahal NYA. Dahil ako daw ang napili nya. Hinintay nya ako. At kahit ilang beses ko na syang nasaktan, andyan pa rin sya. Mahal pa din ako. Pero ano bang magagawa ko?? Pinilit ko nang mahalin sya, at hinayaan ko din sarili kong maging masaya kasama sya. OO! Masaya ako pag kasama ko sya at mahal ko din sya. Ayoko syang masaktan. Akala ko dati, my feeling is beyond friendship, but it’s not. Mahal ko sya dahil kaibigan ko sya. Isa sya sa pinakamalapit kong kaibigan. Hindi ko sya magawang saktan dahil alam kong ilang beses ko nang nagawa yun sa kanya. Pakiramdam ko, masyado syang Fragile na AKO, na CHOICE ko kung sasaktan ko sya.

  GRABE! Alam kong hindi ako deserving na mahalin ng isang tulad nya. At pakiramdam ko, Ang SAMA-SAMA ko na!

================================================================================

Sorry kung lagi kitang nasasaktan. Ayokong saktan ka kasi mahal kita. Pero siguro kahit anong pag-iingat ko na hindi ka masaktan, masasaktan at masasaktan pa din kita. Ang sama ko no? Kasi sa kabila ng pagmamahal na naibigay mo para sakin, eto lang ang igaganti or mabibigay ko para sayo. Ayoko kasing mawala ka kaya sinubukan kong mahalin ka din. Nung last time kasi na sabi ko ” hanggang friends lang talaga “, iniwasan mo ko. Ayokong mawala ka sakin but I think, it became worse. At isa pa, Hindi ko masabi sayo to ng harapan, eh ayoko ngang masaktan ka dibaaaa? Hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi ko alam kung ano pa ang mga magagawa ko. Sorry. Sorry.Sorry. Sorry.Sorry. Sorry.Sorry. Sorry. Ngayon pa lang nagsosorry na ko kasi alam kong masasaktan na naman kita. Hayss. I’m Sorry.

Sana lang talaga mabasa mo to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Share ko lang sa inyo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon