Textmate 1.0

75 2 0
                                    

Naaalala mo pa ba nung una tayong magkakilala?

Ang simpleng "kamusta", yumabong at nagbunga

Hindi mabilang na mensahe ang sa atin ay namagitan

Ang alam ko lang, ikaw lagi ang laman ng aking isipan

Araw-araw, ikaw at ako ang laging magkausap

Kuntento na kahit tayo'y hindi magkaharap

Ang pisikal na anyo natin ay hindi natin alintana

Dahil ang mahalaga, tayong dalawa ay masaya

Bakit daw kay bilis na ako'y nahulog sa iyo

Ni hindi ko nga alam kung lahat ng tinuran mo ay totoo

Pag-ibig nga ba ang nadarama kong ito?

Kung hindi ito pag-ibig, ano palang tawag dito?

Words and RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon