"Salamat po." Magalang kung saad sa naghatid ng pagkain mula sa 50th floor. Kabadong kinuha ko iyon mula rito at pumunta sa kabilang elevator papunta sa Penthouse. Magkaiba kasi ang elevator na ginagamit kapag aakyat na mula sa 51st floor.
Dalawa ang admin office ng hotel. Ang admin office na nasa first floor kung saan nakabase ang assignment sa 1st at 49th floor. Ang 50th floor naman ay inuukupa ng pangalawang admin na hawak ang 51th at 99th floor. May sarili ding lobby ang 50th floor.
Medyo weird nga kung iisipin kaso sa laki ng hotel at dami ng empleyado ay hindi talaga kakayanin kung iisang admin lang ang gagawa kaya siguro ganon.
"Good evening Sir. Room Service." Usal ko. Yumuko ako bilang bati dahil may security monitor ang penthouse kung sino man ang nasa labas ng pintuan. Malapit na akong maging haponesa kakayuko.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pintuan at bumati sakin ang mabangong amoy ni Sir. Ilang oras na itong naligo dahil bago kami umalis kanina ay sabi nya magsha-shower na ito. Bakit hanggang ngayon ang bago parin nito? Ngayon lang ako nakaamoy ng mabangong matanda.
"Good evening." Tipid na bati sakin ni Sir. Hindi ako makatingin sa mukha nito at hanggang dibdib lang ang kaya kung tignan. Simpleng puting V-neck ang suot ni Sir at puting pajama. Umisod ito ng kaunti at hinayaan akong ipasok ang trolley dala ang pagkain nito.
"San nyo po gustong ilagay ang pagkain nyo Sir?" Magalang kung tanong. Hindi kasi umiimik si Sir kung saan nya gustong ilagay ang dala ko. Natatakot naman akong lingunin ito dahil ramdam ko ang matiim na pagtitig nito sakin. Siguro iniisip nito na nagsinungaling ako kanina!
"Hmm.. Just put it on the table." Malamlam na sagot nito. Humugot ako ng malalim na hininga at kabado ang mga kamay na kinuha ang mga pagkain. Iba talaga kapag boss mo ang pinagsisilbihan! Hihimatayin ako sa tensyon dahil nakatitig lang si sir sakin!
Kalma lang Lusha. Hindi totoo ang sinabi ni ate Danica na nangangagat si Sir.
Napahinga ako ng malakas ng maayos kung nailapag sa mesa ang pagkain. Satisfy na tinignan ko sir Sir na nahuli kung nakangisi sakin.
Hindi naman pala sya mukhang matanda..pa..
Ang ini-expect ko kasi ay hindi na attractive tignan si Sir dahil sa edad nito. Ngunit iba ang inaasahan ko ng makita ko ito. Ni wala akong makitang wrinkles kahit isang gitla! Hala bat ganon? Kahit simpleng puting shirt at pajama ang suot nito ay napakalakas ng dating. Andoon ang presenya nya may edad na ito---ah hindi presensya na mature na itong tao.
Nakahalukipkip itong naglakad papalapit sakin at agad akong gumilid upang makadaan si Sir. Nahuli kung kumunot ang noo nito at hindi ko alam kung bakit.
Prente itong umupo at hinawakan ang kubyertos. Yuyuko muli sana ako upang magpaalam ng tumingin ito at magtama ang aming mata. Natigil ako sa pagyuko at napatitig rito.
Ang ganda pala ng mata ni sir.. kulay abo.
"Seat." Titig nito sakin sabay nguso sa katapat kung upuan.
"Po?" Hala? Antok na yata ako at narinig kung pinapaupo ako ni sir at kakain ng masarap na scallop. Mas lalong kumunot ang noo ni Sir at nag-ala wrinkles iyon sa lalim ng gitla.
"Nag-coffee break kana ba?" May part sakin na medyo nalungkot dahil gusto ko na talagang kumain nong kinakain ni Sir kaso kahit ganon man ay hindi pwede iyon.
Lalo pa at ito ang may-ari ng Hotel. Baka mamaya test pala ito kung realible ba talaga ang mga employee nya lalo at halos hindi nito nakikita ang takbo ng hotel.
Kelangan kung magpakatatag at hindi gumawa ng bawal. Mamaya kahit mahal ang pagkain sa Giannis bibili akong kape at sisig.
"Mamaya pa pong 1am sir."
BINABASA MO ANG
The Billionnaire's Maid
Lãng mạnWell.. I don't care who you are. Pu**y is pu**y. A Tale of a cradle snatcher.