"Gusto mong mag-jogging tayo Lusha? May dala ka bang running shoes?" Ani Amanda pagkagising ko. Kinusot ko ang aking mata at tumingin dito. Busy ito sa hawak na cellphone at medyo ngumingiti habang ikinikiling ang ulo.
"Morning Amanda." Groggy pa ay bumangon ako at nag-init ng katawan. Medyo antok pa ako ngunit kelangan ko ng bumangon dahil nag-aaya si Amanda ng jogging. Tumingin ako sa wallclock na nakasabit sa pader at napag-alaman na alas sais palang ng umaga. Bumalik ako muli sa pagkakahiga at sandaling tumunganga. "Inaantok pa ako." Ungot ko sabay dapa. Pinalo ako sa bwet ni Amanda at tatawa tawang hinila ako patayo.
Wala tuloy akong magawa kundi bumangon at naghanda upang sumabay sa trip ni Amanda. Napanguso ako at isinuot ang crop top green. Medyo masikip na iyon lalo sa parte ng dibdib kaya napangiwi ako ng kumakaway doon ang side bood ko. Bat parang mas lalong lumaki ang dede ko?
"At talagang inaasar mo ako Lusha hah?!"Nagpapadyak na reklamo ni Amanda nong makita nya akong nag-aayos na. Nakatingin ito ng masama sa dibdib ko."
"Tara na?" Nakangiting yakag ko rito. Busangot na hinagis nya sakin ang isang puting jacket na tinali ko sa aking bewang. Bubulong bulong si Amanda sabay tingin ng masama sa dibdib ko tapos ay iingos at tinatawag ang Diyos bakit ang unfair ng mundo."Wala kana bang ibang isusuot bhe? Babae ako pero nalilibugan ako sa suot mo." Tapos ay napatiling nagtatakbo sa Amanda palayo sakin. Ngumuso ako at mangiyak ngiyak na hinabol ito.
"Amanda wag mo akong iwan!" Naiiyak na tawag ko. Napakabilis nyang tumakbo na para akong isang demonyo na hinahabol ito. Tumitili pa ito habang nagtatakbo ng mabilis. Napapatingin tuloy ang mga taong nagja-jogging rito dahil para syang sinasaniban ng masamang ispiritu.
Tumigil ako sa pagtakbo at inisip kung babalik nalang ba ako sa HQ para magbihis. Ayaw naman akong kasama ni Amanda. Malungkot na tinignan ko ang suot. Dati naman nagsusuot ako nito pero hindi ako sinabihan ng ganon ni Amanda ah?
Ganon man ang inasal nito ay tumakbo na lamang ako at hinanap sya. Baka mamaya nagpapahabol lamang ito tapos dadayain nya akong nahuli ako sa finish line kaya ililibre ko sya ng almusal.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang busy ang mata ko paghagilap kay Amanda. Napakalawak ng West Wing park kung saan pwede namin gamitin upang mag-jogging. Malamig ang hangin na dumadampi at pawisan kung matawan dahil sa mga matatayog na puno hindi rin masyado masakit sa balat ang haring araw dahil napakalilim sa parteng ito ng park. Iyong hindi pwedeng dumaan ang isang truck dahil nagkadaupang palad na ang magkabilang puno.
Tumigil ako sa pagtakbo at hingal na hingal. Tumutulo ang pawis ko pabagsak sa sementadong daan. Itinukod ko ang kamay sa tuhod at humaluhap ng preskong hangin. Malalakas ng kalabog ng puso sa pagod. Hindi pa pala ako nakakainom ng tubig!
"Hey Lusha." Tawag ng isang pamilyar na tinig.
Nahahapong tumingin ako sa kaliwa at natagpuan ko si Sir Hermes na prenteng nakaupo sa may bench tangan ang umuusok sa sigarilyo. Mukhang nagpapahinga rin si Sir dahil may nakasabit na bimpo sa balikat nito. Nakasuot ito ng itim na itim na Tshirt at running pants. Bakat na bakat ang pang itaas ni Sir dahil sa pawis halos magmukha nangang pangalawang balat na nya iyon sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
The Billionnaire's Maid
RomanceWell.. I don't care who you are. Pu**y is pu**y. A Tale of a cradle snatcher.