"Good afternoon Lusha!" Bati ni Amanda sakin habang nakaupo ako sa isang stall at busy na iniinom kung milktea. Matamis akong ngumiti sa kaibigan ko at tinapik ang katabi kung upuan. Tila tuwang tuwa naman itong sumunod at nilapag sa harapan namin ang hawak niyong large fries.
"San ang punta ng baby girl? Sunday palang ngayon ah." Ani nito at sinubuan ako ng fries.
"May p-pinadaan lang sakin si kuya sa DRLH kaya n-agawi ako rito.." Nakangiwi kung pagsisinungaling. Kinagat ko lang labi upang supilin ang pagkagat ng konsensya sa aking mukha. Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating rito at mas lalong wala naman akong natanggap na message kay Sir Hermes para sumadya dito. Pero kasi...
"Si Sir Tosque? Ngek? Bat ka inutusan? Loka rin pala si kuya mo akala ko mabait yon. Slave driver rin pala." Busangot ni Amanda sabay simsim ng kape nitong nasa papercup. Tinamaan naman ako ng konsensya dahil mas nagmumukha pang masama sa paningin ng iba si kuya dahil sa pagsisinungaling ko. Wala akong magawa kundi tipid na ngumiti lang at itinago sa likod ng straw ang kasinungalingan ko.
Sorry kuya.. "H-hindi naman.. busy k-kasi doon sa bagong negosyo ni kuya Rui.."
"Eh dapat yong kuya Rui mo inutusan nya kesa ikaw. Porket bunso at babae ka-- ikaw uutusan. Kapag ganyan mga kuya ko itatapon ko sakanila lahat ng makita ko." Away ni Amanda kila kuya. Kinagat ko ang labi hindi maiwasan na mapangiti rito. Hindi rin malabo na kapag nakita nito sila kuya ay bubungangaan nya ito kahit hindi sya kilala nila kuya.
Asar na asar parin si Amanda dahil imbes na magpahinga dahil off ko kay nasa labas daw ako dahil inutusan ng mga tamad na kuya. Unti unti akong tinatablan ng konsensya dahil walang kaalam alam ang mga kapatid ko na minumura na sila ni Amanda. Wala akong magawa kundi makinig at tiisin ang ginawa kung kalokohan.
"S-sige Amanda.. Baka andon na yong Ma'am ni kuya ko.. Mauna na ako hah..b-bye.." Matamlay kung paalam sa kaibigan ko. Masamang bumusagot ito at niligpit ang kalat namin sa mesa.
"Minsan magpanggap kung tulog at gumising ng late pero magdala ka ng food sa loob ng kwarto mo para di ka gutomin." Tuloy tuloy na payo nito sakin at nagpaalam na sakin dahil papasok na daw ito.
Naiwan ako sa kinauupuan at nagdadalang isip kung itutuloy ko ba ang pagpunta kay Sir Hermes. Kinakain ako ng konsesnya at hiya dahil sa sinabi ni Amanda. Bukod doon ay hindi ko naman alam kung asa penthouse ba o nasa Villa si Sir Hermes. Hindi ko naman ito magawang i-messege dahil nahihiya ako. Kahapon pinapapunta nya ako pero hindi ako pumunta. Tinapos namin ni Sola ang Love alarm, samin rin ito natulog at paggising ko umalis na daw ito sabi ni kuya Gio.
"Umuwi nalang kaya ako..?" Kausap ko sa sarili. Wala na akong lakas ng loob. Saka hindi ko rin naman alam kung ano gagawin ni Sir Hermes kapag nakita nya ako. Pero kasi..
Huminga ako ng malalim at inipon ang paaubos kung kapal ng mukha. May ideya ako kung bakit ako pinapapunta ni Sir Hermes pero imbes na matakot at lumayo ay mas lalo kung gusto mapalapit rito at maramdaman muli kung paano nya ako halikan at haplusin. Napahugot ako ng hininga at pilit pinapakalma ang init binuhay ni Sir Hermes.
Natagpuan ko na nalang ang sariling nasa tapat ng pintuan sa Villa ni Sir Hermes. Hindi ako pwedeng pumunta sa Penthouse dahil may makakakita sakin doon at magtataka anong ginagawa ko doon ng off ko.
"Kapag wala sya rito uuwi na ako." Pakikipag-deal ko sa sarili. Buong kompyansang pinindot ko ang doorbell at sinabayan ko ng paghugot ng hininga ang pag iingay ng naturang gamit. Kinagat ko ang labi at hinintay kung magbubukas ba ang pinto nito sa pangatlong pindot ko ay wala parin sumasagot.
Unti-unting bumagsak ang aking balikat at tinungangaan ang nakasarang pinto. Wala ata sya.. Nguso ko at akmang tatalikod ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sakin ang bagong gising na Sir Hermes.
BINABASA MO ANG
The Billionnaire's Maid
RomanceWell.. I don't care who you are. Pu**y is pu**y. A Tale of a cradle snatcher.