I'll fetch you. Ill just finish some calls.
Basa ko sa text ni Sir Hermes sakin. Napanguso ako tumingin sa paligid. Thirty minutes na ang nakakaraan simula ng matanggap ko ang text nya ngunit hanggang ngayon ay wala parin sya.
Napabuntong hininga ako sa ngalay na nararamdaman. Hindi ko alam kung anong oras sya matatapos at nahihiya naman akong magtanong kung nasaan na sya.
Kusot ang mata ay hinagilap ko ang order na milktea. Pilit inaalis ang pagod sa sistema ko. Kakatapos ko lamang mag-duty at matutulog na sana ako sa HQ ng matanggap ko ang text nya.
Ilang buntong hininga, Sulyap at paubos na ang iniinom ay wala paring Hermes na nagpapakita. Nag-inat ako at umayos ng upuan habang humihikab.
Pakiramdam ko pipikit na ang talukap ng mata sa pagod. Andami ngayong guest sa hotel kaya doble ang kilos namin iyon siguro ang pinagkakaabalahan ni Hermes. Ang alam ko isang sikat na artista galing sa ibang bansa ang magdaraos ng kaarawan sa gamit ang pamosong rooftop ng hotel.
Balita ko pa ay halos kalahating bilyon ang nagastos nito dahil ang ilang bisita nito ay mismong hotel tutukoy.
Halos sumakit ang ulo ko ng malaman ang bagay na iyon. Hindi biro ang halaga ng bawat suite lalo kapag gugustuhin mo ng reservatiom sa rooftop.
Hindi pa ako nakakapunta doon ngunit base sa sinabi ni Amanda ay napakaganda daw doon na parang abot mo ang kalawakan habang nagtatampisaw sa infinity pool.
"Hi!"
Nawala ang pamumuni muni ko ng makarinig ako ng boses lalaki sa aking tabi. Agad akong tumingala at malamig ang tamang pinakatitigan ang isang matangkad na lalaki. Puti ang kulay ng buhok nito na bumagay sa maputi nitong balat at ngipin.
"Hi.." Kaswal kung bati. Nakangiti ito ng matamis habang nagkakamot ng batok.
Kamukha nito iyong mga crush kung korean Idol ngunit wala ako makapang pananabik kahit napakagwapo nito at angkop sa panlasa ko.
"Can I seat? Ill just wait my Mom here, Can I?" Anito na tila nahihiya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi kaya gumaan ang loob ko't wala sa loob na natawa. Tumango ako at inayos ang gamit kung nakalatag sa mesa.
Umupo ito sa tapat ko at sabay kaming inabala ang atensyon sa hawak na cellphone. Tahimik lang ang pagitan namin at panakay tumitikhim ito na tila may nakabara sa kanyang lalamunan.
"Gusto mo...?" Awang ang labing alok ko sa iniinom ko. Nag-angat naman ito ng tingin at mas lalong nangamatis ang pisngi nito kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute naman nito mag-brush ang kinang ng pagkakapula ng pisngi. Nakakainggit.
"Thanks, but Im good." Ngiti nito at saka nilibot ang mata sa paligid. "So..are you waiting for your boyfriend..?" Nanantyang tanong nito sakin.
Natigilan ako sa tanong nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi ko nga alam kung mag-ano ba kami ni Sir Hermes..Hindi naman sya nagsasalita at nahihiya akong magtanong..
"Ahh.." Namumutla na ako sa kawalan ng sasabihin. It was just a simple ask but why did I find it hard to answer. Sa kawalan ng sasabihin ay napangiti nalang ako ng nagkibit balikat.
Lumaylay ang balikat ko sa pagkadismaya. Ano ba talaga kami ni Sir Hermes? Kami na ba? Base na napapanuod ko ay magkasintahan na kami.. although wala akong napapanuod mula sa kama..pero hindi kami nagdi-date..
Kumunot ang noo ko at bakit baliktad yata ang ginawa namin ni Sir Hermes? Sa pagkakaalam ko una muna ang date--kilalanin ang isat-isa..or para sa mga bata lamang iyon? At iba ang way ng edad nila Sir Hermes..?
BINABASA MO ANG
The Billionnaire's Maid
RomanceWell.. I don't care who you are. Pu**y is pu**y. A Tale of a cradle snatcher.