"Kelan ka daw uuwi sabi ni Tatay?"
"Ngayon na kuya. Off ko bukas." Masayang sagot ko kay kuya. Kasalukuyan kaming nag uusap sa telepono habang nagbi-break. Ala una ng madaling araw at nakakalahati ko na iniinom kung kape.
"Alright. Tawagan mo ako kapag nasa labas kana ng Hotel hah. Susunduin ka namin ni Kuya Tosque andito kami sa Exia. Wag kang pupunta rito hah. Makikita mo si Kuya may ka-ano."
"Hmm.." Ngadududang sagot ko. Humalakhak lang si kuya sakin at nagpaalam na sakin. Ngumuso ako at tinignan ang screen ng cellphone ko. Ang sabi ko kay kuya ngayon na nya ako susunduin. Hindi ba nya ako naintindigan? Ayoko namang maghintay lang sa labas ng hotel dahil ang awkward naman non.
Mga twenty minutes lang ang layo nong Exia Bar mula sa Hotel kung lalakarin ko. Okey na rin iyon kaysa maghintay ako. Sumagap ako ng sariwang hangin at saka pumikit. Napakaganda talaga ng lugar na ito. Napakadaming puno at mailaw paligid dagdagan pa na maaliwalas ngayon ang kalangitan kaya kitang kita ko ang bawat pagkinang sa mga buwin. Gusto kung tumira rito sa totoo lang. Nakakarelax kasi ang paligid at halos andito na lahat ng kailangan mo.
Hindi mo na kailangang lumabas ng Metro. Kaso ang mahal naman magstay sa Hotel. Halos isang taon sahod ang isang araw sa stay doon. Tapos tanging Pamilya ng may-ari lang ang lihitimong nakatira dito. Sa pinakadulo sa Iyon at may sarili daw silang lake at man made cave at ang pinakapangarap ko sa lahat na mapuntahan ay iyon little mountain. Natatanaw ko muli rito ang ilaw na nagmumula sa Villas ng mga Fajardo. Gusto kung makapunta doon.. Ungot ng isang tinig sa utak ko.
"Oh my gosh Atasha! What have youve done?!"
Napatingin ako sa may kanan ng biglang umingay ang paligid. Intresadong ikiniling ko ang ulo at tinignan kung anong meron doon. Mukhang may nagkakasiyahan. Napanganga ako ng mabasa ko ang bar na kinaroroonan nila Kuya! Hindi ko namamalayan andito na pala ako!
Unti unti akong lumapit sa Exia ngunit agad akong hinarangan ng malaki at napakadaming tattoo na lalaki. Hinahanapan nya ako ng VIP pass. Nang pinakita ko ang deep Card ko na naglalaman ng Five hundred ay kinunutan lang ako nito ng noo na parang nababaliw ako.
Takang taka ako. Hindi ba deep card ang pinapakita nila doon sa mga lalaking nakakatakot? Wala akong nagawa kundi sumimangit at tinawagan sila kuya. Nakailang tawag na ako ngunit walang sumasagot!
"Hi Miss." Untag ng isang babae na blonde ang buhok na agad lumitaw sa harapan ko. hila hila nito ang isang babae na nakahiga na sa sahig. Natulala ako ng makita kung gaano kaganda ang mga ito. Lalo na si ate blondie. Mukha syang manika sa ganda. ang liit ng mukha nito ang puti at ang tangos ng ilong! "Pwede bang iwan ko muna sya sayo? kukunin ko lang ang kuya ko sa loob." Sabay turo sa loob ng Exia. Salubong at mukhang stress si Ate kaya tumango ako at inalalayan yong babaeng bulagta sa sahig.
"Romeo!" Sigaw mg babae. Halos masubsob ang baba nito sa sahig dahil muntik ko na syang mabitawan sa gulat ko!
"Ate ayos ka lang?" Nag-aalala kung tanong pinilit kung itayo sya ngunit nakapabigat nito! Wala na sa ayos ang tube dress na ate at isang hila ko pa rito ay tuluyan nang malalaglag ang pang itaas ni ate!
Inalis ko ang suot na jacket at isinuot iyon kay ate. Tulog na yata ito dahil ang sarap na ng kanyang hilik. Pansin kung sira na ang make up ni ate dahil sa nagkalat ang mascara sa kanya mukha. Medyo hawig sila nong ate na maganda.
Niyakap ko si ate upang makiamot ng init. ang lamig na kasi tapos ang hangin. Nakasando lang ako ng manipis dahil naka jacket naman ako. Napangiwi tulog ako lalo ng may dumaraan na mga tao. Mukha kaming pulubing magkapatid na namamalimos.
"Lusha?"
Nakalabing tumingala ako ng may tumawag sa aking pangalan. Mula sa bungad ng Exia ay nakita ko si Sir Hermes kasama ang isang lalaking kahawig nito. Nakakunot ang noo ni Sir na naglakad palapit samin. Naguguluhan siguro ito kung anong ginagawa ko sa gitna sa daan.
BINABASA MO ANG
The Billionnaire's Maid
RomanceWell.. I don't care who you are. Pu**y is pu**y. A Tale of a cradle snatcher.