"Hay.. Sa wakas bakasyon na! Nakaraos na rin tayo." Pagod na anunsyo ni Alelie habang isinampak ang mukha nito sa bagna Nakapatong sa desk nya.
Kakatapos lang huling major subject namin kaya halos maubos ang lakas namin sa final test. Nag inat ako ng kaunti at inayos ang mga gamit ko dahil may pasok pa ako sa pinagtatrabahuhan kung Hotel. Isa akong housekeeper doon at kada MWFS ay aking pasok.
"Mauna na ako sayo hah Alelie? May pasok pa ako. Bye!" Paalam ko sa kaibigan kung nakanguso lamg saakin.
"Akala ko off mo ngayon?" Anito dahil Monday palang. Ngumiti ako ng matamis at umiling.
Bakasyon na kasi kaya pinakiusapan ko si Ma'am Jenna na pwedeng pumasok ako ng Monday-Friday dahil bakasyon naman na. Kelangan kung makaipon para sa susunod na Sem. Wala pa sa kalahati ang naiipon ko para sa aking tuition.
Sinipat ko ang suot kung relos kung may pagkakataon pa ba akong mamili ng masasakyang jeep pero laking dismayado ko ng Thirty minutes nalang ay malapit ng mag-alas sais.
Wala akong nagawa kundi makipag unahan sa mga estudyanteng nag aabang rin sa jeep paalis ng paaralan. Halos isang pwet ko nalang ang nagkasya sa upuan dahil sa sobrang siksikan. Ngumiwi ako at pinilit ang sariling magkasya doon.
"Palimos po." Bungas ng isang bata at binigyan isa isa ang mga pasahero ng sobre. Hirap man sa pwesto ay hinagilap ko ang isang balot ng crinkles sa bag at bago pa man ako abutan ng bata sa sobre ay nakangiting inabot ko ang pagkain.
"Palimos po." Ulit nito sakin. Inabot nito sakin ang sobre at hindi pinansin ang pagkain.
"Naku Miss. Sindikato yan. May nagpapakain dyan Pera ang gusto." Bulong sakin ng matanda sa aking tabi.
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang sagot ko sa ale. Wala akong nagawa at pinasok ko muli ang pagkain sa bag ko.
Ako nalang ang kakain non mamayang break. Pinulot ko ang maliit na sobre at naglagay sa sampung piso doon.
Nang bumalik ang bata ay kinuha nito ang sobre at may katagang sinabi na hindi ko maintindiha.
"Balik sayo!" Ani ng lalaking nasa dulo ng lumabas ang pulubi sa jeep. Gulo sa pangyayari ay sinilip ko sa labas kung malapit na ako sa Hotel.
"Para ho." Medyo malakas kung untag sa driver ng makita ang matayog na Hotel na umaabot sa isang daang palapag.
Napatayog non at pakiramdam ko ay aabot na hanggang langit ang hotel. Tila isang Hacienda ang paligid non dahil malayo ang Main gate sa mismong hotel.
Lakad takbo ang ginawa ko at nagtuloy sa gate na para sa mga empleyado. Nasa gilid iyon malayo sa Main Gate na daraanan ng mga guest.
"Magandang Gabi po." Bati ko sa Security Team na nagbabantay. Lima ang andoon na puro nakasuot ng Dark Blue na uniform.
Nilabas ko ang aking ID at nilagay sa machine upang makapasok. Ngumiti ang mga ito sakin at bumalik sa dating trabaho.
May nakalagay na ear piece sa kabilang tenga at may kausap. Aliw na pinagmasdan ko sila. Nakakatuwa silang pagmasdan para.
Kapag kasi papasok ako ay pakiramdam ko nasa kabilang akong Dimension na ibang iba ang paligid at aura sa labas ng Metro.
Halos building na kasi ang namamayani sa buong Metro Manila. Kabilaang establesyemento ang nahkalat at halos pipikit kana lang para makapili kung saan ko kakain.
Ngunit dito sa paligid ng Duke Hotel ay para kang nasa isang Hacienda sa Probinsya. Puro puno ang pumapaligid sa ekta-ektaryang lupain at sa gitna noon ang pinapasukan ko.
BINABASA MO ANG
The Billionnaire's Maid
Storie d'amoreWell.. I don't care who you are. Pu**y is pu**y. A Tale of a cradle snatcher.