CHAPTER 1:

33 1 0
                                        

ROCKY'S POV

"Target spotted" mahina kong sabi kay Steve gamit ang mic na nakakabit sa damit ko.

Nasa 16th floor lang naman ako nitong building habang minamanmanan ang target ko na nasa 15th floor ng tapat na building. May nakakabit ng rapel cord papunta sa kabilang building at hindi rin ganun kalayo ang pagitan nito sa isa't isa. Tamang oras nalang talaga ang hinihintay ko para tawirin ang kabilang building.

Aside of being a director isa din akong assassin. Who knows? Sabi nga nila don't judge the book by it's cover. I work for Silver Steel, an assassin's organization.

The organization is hidden at mga piling tao lang din ang may alam tungkol dito. We kill people who don't deserve to live. Well, let me rephrase. We kill people who occupies a lot of oxygen on earth na walang awa ding pumapatay ng mga walang kamuwang muwang na tao. In short, tanging mga halang lang ang kaluluwa ang pinapatay namin.

We know that when we say assassin, they kill anyone even if they are innocent or not pero kami ng organisasyon ko mga halang lang na kaluluwa ang binabawian namin ng buhay. Some people hire us to finish what they can't pero mas madalas we take the initiative to kill pero bago namin mapatay yung target we take their money first to sustain the organization and give it to those in need.

Front ko lang ang nauna kong trabaho. Hindi rin naman 24/7 ang pagiging director ko pero kilala ako bilang isa sa pinaka tanyag na direktor sa buong mundo.

"Good! all set. Now, do what you have to do" ma awtoridad na sabi ni Steve.

Steve Voltz.

Siya ang bantay ko ngayon. Siya din ang nagsisilbi kong mga mata just in case may ma miss akong di ka nais nais during mission. Steve is my partner sa lahat ng misyon and a close friend too.

My target is Mr. Benj Tom. He is currently attending an auction, girls auction. Mr. Benj is a known high class business man of illegal drugs, guns and very known when it comes to human trafficking. Matagal na dapat nakakulong si Mr. Benj pero dahil sa mayaman at makapangyarihan siya mabilis pa sa segundo siya nakakalabas ng kulungan.

"Status R?" tanong ni Steve. Naririnig at nakakausap ko siya gamit ang assassin devices para lang itong small size buttons nakakabit ito sa my tagong parte ng tenga ko at sa my lower lip. Water proof to. R is my alias. Yan ang ginagamit kong pangalan as assassin.

"On process. Transferring to station 2" sabi ko dito

"Cameras lock down. 5 minutes. move" mabilis na utos ni Steve

Naka short cut lang lahat ng sinasabi namin. Now it's time. Using the cord I brace myself para maka punta sa kabilang building.

"Roger. At station 2" Saad ko ng maka pasok sa bintanang bukas at kinakalas ang sarili mula sa cord.

Nagpalinga linga ako para masigurading walang nakakita sa akin. Nakasuot ako ng black wetsuit na kapareho ng sinusuot ng mga scuba diver pero mas makapal ito natatabunan din ang aking bibig at kita lang ang aking mata. Sakto lang para matago ang mga galaw ko sa dilim.

"Naman ang bilis ah. Good. You never stopped impressing me R. Materials at South. 2nd door target" manghang sagot nito.

"As always Steve."sabay kaway sa cctv na nasa harap ko. Kita niya parin ako kasi na hack niya ang cctv.

Naglakad na ako sa hallway papuntang south. Nakita ko ang naka awang na pinto, nandun ang mga gamit na kelangan ko. Walang tao dito kasi nasa loob lahat including the waiters. Hindi masyadong mahigpit ang bantay dito kaya madali akong naka lapit sa pinto.

Pumasok ako doon at nag bihis. Sinuot ko ang puting longsleeve at maiksing palda. Hapit na hapit ito sa katawan ko. Isang pares ng black heels din ang nanduon to complete my attire. I'll be a waiter for tonight. Inayos  ko kaunti ang buhok ko na medyo nagulo dahil pag tanggal ko ng suot ko kanina bago lumabas sa kuwarto. I'm now on my way to the target's room.

His Assassin GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon