Chapter 9:

0 0 0
                                        

ROCKY'S POV

Hindi naman ako easy to get na babae kung sa inaakala ng iba. Minsan kelangan ko lang talaga maka kuha nang magandang impormasyon kahit pa ang ibig sabihin 'nun ay sumama ako sa informant ko. Tulad ngayon, sumasama ako sa taong 'di naman dapat pinagkakatiwalaan.

Kahit pa may pagood talking itong lalaking kasama ko hindi parin buo ang tiwala ko dito. Even if the other side of me is telling na hindi magandang plano ito, may nagsasabi paring hindi mauuwi sa wala ang lakad na ito.

Sa lahat nang mga misyon ko, ito lang ang misyon na hindi malinis. The one who asked for our organization's protection becomes our person of interest. Sa alerto ng buong organisasyon namin ngayon, kulang nalang ay ma house arrest si Adam.

Sa higpit ng siguridad namin when it comes to extracting information may nakasalisi parin at hindi ako papayag na basta basta nalang na ganun 'yun. The credibility of the organization will be at risk. I can also feel na hindi lang simple itong binabangga namin. Someone might pull some strings para matago ang impormasyon ni Adam at alam kong kasali si Vester doon.

That cousin of mine will not do this kind of secrecy kung alam niyang hindi kami makaka benepisyo pero ang hindi ko maintindihan 'eh kung bakit pati sa akin ay kakaunti lang 'yung binibigay niyang impormasyon. I need to dig deeper.

Kapag binigyan kami ng misyon ni Vester, lahat detelyado, lahat sakto. Hindi tulad ngayon na unti unti kong nauungkat 'yung mga tinatago niya o baka naman sinasadya niya lang.

May ganito talagang ugali si Vester. Kapag hindi niya kayang sabihin sa akin ang totoo, he will let me unleash the truth. Just like my old life. Hindi niya magawang sabihin na ginagago na pala ako ng ex ko kaya hinayaan niya akong madiskubre iyon.

Alam ko sa sarili ko na nalilibugan ang Adam na ito sa akin and I will use that advantage to extract informations pero hindi ako ganun ka hunghang para magpa uto sa mga lalaking malilibog na katulad niya. He doesn't deserve people like me.

'Wag mag salita ng patapos, Rock!

Binabaybay namin ngayon ang daan papuntang Makati. Saan kaya ang plano ng lalaking ito? Hindi naman kami nag iimikan sa byahe. Nakatuon lang ang pansin ni Adam sa kalsada at ako naman ay nakatutok lang sa bintana. Hinayaan ko nalang na tahimik kami kahit na ang daming mga naka listang tanong sa utak ko. Mamaya nalang pagkarating sa gusto niyang puntahan. Kahit na tahimik kaming dalawa, ramdam na ramdam ko ang tensiyon na namamagitan sa amin.

Tumapat ang sasakyan ni Adam sa isang fast food chain, lalabas nadin sana ako ng makita ko siyang palabas na pero mabilis niya akong napigilan.

"Stay here. I'll just grab some food and we will eat somewhere else." kumindat pa ito bago tuluyang lumabas.

Mabilis lang mag palit ng mood si Adam, daig niya pa ang may PMS. Hinintay ko muna na makapasok si Adam sa loob bago nakipag usap sa partner ko.

"S" tawag pansin ko sa kabilang linya.

"So, you have plans on talking to me right now? Akala ko nakalimutan mo na ako. Ano ba talagang plano mo Rockylin?" medyo napangiwi ako sa sinabi ni Steve. I know he is pissed off kasi buong pangalan ko na ang ginamit niya.

When it comes to mission, si Steve ang pinaka mautak sa pagkuha ng impormasyon at pinaka conserbatibo kaya alam kong galit siya kasi sumama ako sa lalaking di man lang namin lubos na kakilala.

"You want me to extract good information right? so, I am doing it right now," paliwanag ko dito.

"Extracting information doesn't mean you have to be with that asshole. Pano kung may gawin siya sa'yo? Hindi natin kilala ang Adam na yan. Ewan ko sa inyong mag pinsan" parang kuyang nanenermon si Steve ngayon.

His Assassin GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon