Chapter 5:

2 0 0
                                    

ROCKY'S POV

Napabuga ako ng hangin ng maalala ang nangyari kagabi. After hearing Mr. Smith's voice, basta ko nalang hinila paalis si Chloe. Alam kong walang mananakit kay Mr. Smith kasi may mga assassin na naka bantay, I can see them from a far.

Bakit nga ba ako umalis kagabi? He will not know me kasi naka disguise naman ako kapag pumapasok sa opisina. Nasisiraan na yata ako ng bait. This feeling is so strange. May iba akong nararamdaman sa presensya niya.

Tumunog ang alarm ko. It's 4am already. Hindi ako naka tulog ng maayos. Nothing new. Kelan paba ako naging maayos after what happened 5 years ago? Naaalala ko na naman.

Hindi siguro ganito ang ugali ko if I wasn't hurt back then. Despite the death of my parents, masayahing tao naman ako. I keep understanding people. I am sweet but fragile. Hindi rin ako ganito ka tapang noon. I was once a cry baby. Sino ba naman ang hindi magbabago if you were damn so hurt?

After that incident, I became a monster. A monster that is slowly eating the real me. Naging mapait pa ako sa ampalaya. The positivity in me was gone. May good catch naman din kasi naging matapang ako. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko 'yun nga lang I also learned how to use guns and ammos.

I trained so hard to be an assassin. Hindi ako binabagabag ng kunsensya ko kapag nakaka patay. I keep telling myself that those bastards deserve to die. 'Yung dating sa pinsan ko nalang pina-uubaya ang paghahanap sa killer ng mga magulang ko ay naging hobby ko na. The old me was gone.

Hindi ko ininda ang lamig ng tubig mula sa shower. I need this. I need to be numb again.

Just bear with it. Kaya mo 'yan. Word of wisdom ko sa sarili.

Akala ko okay na ako pero hindi ko alam kung okay naba talaga ako. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pag ligo.

My morning routine went well at mas relax na ako ngayon. Matapos mag kape ay umalis na ako ng bahay. Suot ko parin ang disguise ko and not like yesterday naka taxi nalang ako ngayon. I need to be at that company before 8am.

"Ma'am, good morning! Kaya pa?" makahulugang pag-bati ni manong guard.

"Dapat po kayanin. Kelangan ko po kasi talaga ng trabaho" simpleng sagot ko dito at tuloy-tuloy ng pumasok.

"S, check the perimeters" pasimpleng sabi ko sa kabilang linya.

Ganito ang routine ko every mission. I need to check kung may mga threats o di kaya ay may mga loose bugs. Ayaw na ayaw kong ma compromise ang misyon.

"Good morning R. Scanning. No threats. All bugs attached." hindi na ako sumagot kay Steve at sumakay nalang ng elevator.

Almost 8 na pala. Kelangan ko ng ipaghanda ng kape ang suplado kong boss. Magkikita na naman kami.

Pagkarating ko sa floor dumiretso ako sa private pantry ni Mr. Smith. In fairness, maganda din tong pantry niya. Kumuha ako ng coffee beans at sinalang sa coffee maker. Sa pagkakatanda ko purong kape ang gusto ng amo ko.

Kumatok ako ng tatlong beses. I didn't hear a response mukhang wala pa ang boss ko dito. Hindi ko rin naman napansin ang pagdating nito. Lalamig ang kape. Sayang!

Babalik na sana ako sa pantry para itapon ang kape. I've decided na gumawa nalang ng bago mamaya pagdating niya.

Napatigil ako sa paglalakad ng mag salita si Steve. "Get inside. Nasa loob lang ang boss mo." utos nito.

"Panong nasa loob 'eh hindi pa naman siya nakakarating" takang sagot ko kay Steve.

"Hindi ata umuwi ang boss mo at diyan natulog. Just get inside and wake him up. He has a meeting with your ex fiancé in an hour."

His Assassin GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon