ROCKY'S POV
Napatanga ako sa mga taong nasa harap ko ngayon, Samantha Buentefal and Kenji Angheles. Ipinilig ko pa ang ulo ko para masiguradong hindi ako namamalik mata nang dahil sa gutom at pagod na nararamdaman ko. Anong oras naba? Hindi rin naka lampas ang mga pagtutok ni Kenji sa akin. Nakilala ba niya ako?
Hindi ako handa sa kaganapang ito. Steve gave me a heads up pero hindi naman niya sinabing kasali pala ang ex fiancé ko sa meeting na ito. I was ready na pagtarayan na naman si Samantha pero parang may bumarang bato sa lalamunan ko at di man lang ako nakapag salita ngayon.
May kung anong kirot na dumadaplis sa puso ko nang makita ko si Kenji. I still hate him. For real. Kumpirma ko sa sarili. Kahit dati pa galit na galit naman na talaga ako sa kanya pero iba ngayon, mas gumaan ata ang nararamdaman ko but I am pretty sure na hindi ko na mahal ang lalaking nasa harap ko. I felt relived with that fact.
Ibang-ibang ang itsura ng Kenji na nakilala noon kumpara sa taong nakikita ko ngayon. Way back then, he has this cheerful face makikita mo talagang masaya ang tao pero ngayon, I can see sadness in his face. Ang nagmamalaking katawan ni Kenji noon tila nawalan nang buhay ngayon. Bagsak na bagsak ang katawan niya. What the hell happened to this man? Despite of the hatred that I am feeling right now, bigla akong naawa sa itsura ni Kenji. Halatang problemado ang binata.
Ang alam talaga ng systema ko ay umalis na itong si Samantha. Bumalik na naman? Irita parin talaga ako sa mukha ng higad na ito. Itong si Kenji nama, diba nasa ibang bansa ito? Bakit nandito ito?
Mahigpit parin ang kapit ko sa door knob ng opisina ni Adam. Hindi parin pala natutuloy ang pagsasara ko ng pinto. May pagtataka din ang mukha ng dalawa. Sino bang hindi? Naka harang ako sa bukana ng opisina ni Adam at kulang nalang malusaw ang dalawa sa titig ko.
"Ehem" that was Steve's voice.
Natauhan ako sa pagtawag nang pansin na iyon mula sa earpiece. Gising Rock! Naging malikot ang utak ko para mag-isip ng dahilan pero naka tutok parin ako sa gawi nila. Napansin kong napataas na ng kilay si Samantha habang nakatutok parin si Kenji sa akin.
Nagdiwang ang utak ko nang may nabuo na akong dahilan. That wall clock behind them gave me a good reason.
"I'm sorry. I was staring at the wall clock behind you. Ang bilis ng oras kaya pala gutom na ako" buong kumpyansa kong sabi. I don't care if they buy my alibi or not.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko. Nagwawala na sa gutom ang mga bulate ko. Patapos na pala ang araw di man lang ako nakapag lunch.
Nakatitig parin ang dalawa sa akin. They did not buy that alibi, I guess.
"So, Miss Samantha and Mister?" pag bitin ko sa sinasabi at nanghihingi ng sagot sa lalaking kaharap ko. Tamang panggap na hindi ko siya kilala.
Habang hinihintay ang sagot ay naisirado ko na ng tuluyan ang pintuan at bumalik sa desk ko. Malapit lang naman ito sa pinto ng opisina ni Adam. Patay malisya akong nagliligpit ng gamit kahit hindi naman kelangan ligipitin. Sinadya kong abalahin ang sarili habang hinihintay ang sagot ni Kenji.
"Kenji. Kenji Angheles" nagulat ata siya sa pagpukaw ko ng at atension niya. Napatingin ulit ito sa akin.
"Oh! so you are Mister Kenji Angheles from A-Empire?" pagkukunwari ko pa na hindi ko ito kilala.
"Yeah! I'm the one who called earlier" pagkumpirma nito sa akin.
"Anyways, Miss Samantha and Mister Kenji what brings you here? As far as I know, nasa ibang bansa po kayo Mister Kenji and kakagaling lang naman ni Miss Samantah dito." para kong kinakastigo ang mga taong nasa harap ko sa mga nabitawan kong salita.

BINABASA MO ANG
His Assassin Girlfriend
ActionLittle did I know that finding justice will be this difficult. I was so focus on plotting my revenge until I met this guy. A guy who turned my focus lines into twist, who brought my world into upside down. I never thought that becoming his secretary...