Chapter 7:

1 0 0
                                    

ROCKY'S POV

Pinaupo ko sa swivel chair si Adam at mabilis na sinuri ang bomba na nasa mesa. May limang minuto ako para madefuse ang bomba. Kelangan kong mailayo ito. Aakyat ako sa rooftop.

This act of threat is escalating, kapag sumabog 'to hindi lang si Adam ang mapapahamak kundi pati na ang mga taong naka paligid din sa kanya.

"Where are you going?" nagtatakang tanong nang lalaking katabi ko.

Nilingon ko ito at matalim na tiningnan. "You stay here. Magtutuos tayo mamaya." may napansin akong takot sa mga mata ni Adam pero mabilis din itong nawala.

Tumalikod na ako sa binata. Kinuha ko sa mesa ang bomba at ang gunting na nasa pencil holder. Huminga muna ako ng malalim para kumalma dahil kung hindi baka una kong mapatay ang lalaking katabi ko. I need to think fast and straight.

Lumayo ako sa lamesa at huminto sa harap ng isang cctv na nasa loob ng opisina ni Adam.

This might screw up everything but I don't have a choice. Bahala na.

"S, We have a situation here. Some stupid asshole sent a bomb. I still have 4 minutes to defuse this" kinakausap ko ang cctv at pinakita ang laman ng box.

Nakarinig ako ng pagbuga at mahihinang ubo. May nasamid ata. It seems like kumakain itong partner ko sa gitna ng misyon. Napangiwi ako sa ideyang 'yun.

"Jesus Christ R! Is that serious? Bakit may bomba jan? Shit!" nakakarinig ako ng mabilis na pagtitipa.

"Wala na akong oras S. I need to defuse this now. Secure the building." Inayos ko ang pagkaka lagay ng bomba sa box at mabilis akong lumabas sa opisina ni Adam.

Hindi ko na pinansin ang pag tawag nito sa akin.

"S, lock Adam's office. Siguraduhin mong hindi siya makaka labas." utos ko dito.

"Roger that". Hindi na ako nag salita at rinig kong na lock na nga ni Steve ang opisina ni Adam.

Magtutuos tayo mamaya Adam. May halong pagmamadali ang lakad ko pero pilit ko paring kinakalma ang sarili. May mga nakakasalubong akong iilang empleyado na nawiwirduhan ata sa itsura ko. Mukha kasi akong natatae sa kakamadali.

Tinungo ko ang fire exit para mas mabilis kong mapuntahan ang roof top. Apat na palapag pa bago ang roof top. Bakit naman kasi ang layo-layo ng roof top dito.

Para akong hinahabol ng sampung aso sa bilis nang takbo ko. Sinisigurado ko din na hindi masyadong naalog ang bomba baka kasi bigla nalang sumabog. I need to run fast kasi ubos na ubos na ang oras ko. Halos dalawa o tatlo ang nagiging hakbang ko sa hagdan. Hindi ko na ininda na naka takong pa pala ako.

Nang makarating ako sa roof top, tinungo ko ang pinaka sulok na bahagi. Dahan-dahan kong nilapag ang bomba at ang gunting sa lamesitang nakita ko at umupo sa harap nito.

The bomb has 3 colored wires. Yellow, blue and green. I know this kind of bomb. Napag-aralan ko ito sa academy nung nagsasanay pa ako para maging assassin.

This kind of bomb is very tricky, maling putol lang ng kable ay puwede na itong sumabog o 'di kaya ay magpabilis ng oras. Sinusuri ko ang lahat ng kable at kung saan ito naka kabit. Hinahanap ng mata ko ang wire ng timer.

1 minute..

"Shit!" bakit ang dami daming wires.

"Status R?" hinanap ko kung may cctv sa lugar pero mabilis ko ding binalik ang pansin ko sa bomba.

"Wag kang magulo Steve!" bulalas ko sa kabilang linya.

His Assassin GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon