ROCKY'S POV
Nakatutok ako ngayon sa malaking salamin na nasa kuwarto ko. Sinusuri ang suot kong damit. I'm wearing a red turtleneck sweater top, black pencil cut skirt, black heels, black round eye glasses and a short hair wig na hanggang balikat. Natatago ang mahabang buhok ko. Napangiwi ako sa itsura ko. I look like a typical lousy girl. Pinagmasdan ko din ang mga kakaunting nilagay nilang disguise sa mukha ko para di ako mamukhaan ng kahit na sino.
"Hindi nakaktuwa ang assignment nato!" pakikipag talo ko sa sariling itsura sa salamin. Padabog na lumabas ako ng kwarto.
"Alis kana?" tanong ng kasambahay namin si Manang Fe.
"Oo Nana Fe. First day!" Naka sambakol kung tugon.
"Mag ingat ka Rock!" pahabol na sabi nito at tuluyan na akong umalis.
Si Manang Fe lang ang nag iisang tao na alam kung ano ang trabaho ko bukod sa pagiging direktor. Siya nadin ang naging nanay nanayan ko simula ng mamatay sina Mommy at Daddy.
Sumakay na ako sasakyan na naka parada sa garahe at tuluyang umalis na sa bahay. I'm on my way now to this Mr. Smith whoever he is company. Naiinis parin ako! Hindi ko na nagawang makipag talo kay Vester last time. Akala ko ba bakasyon to? May baksayon bang nag sesekretarya! May araw ka din sakin Vester. Kita mo!
Dahil sa sobrang inis ko di ko na namalayan na malapit na pala ako sa harap ng company building ng kliyente namin. Dali-dali kong pinark iyon sa di kalayuang coffee shop. Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ko na di pala dapat ako nagdadala ng sasakyan. Then my phone rang..speaking of the devil!
"What?" inis na sagot ko sa telepono
"What the hell are you doing? Bakit ka nag dala ng sasakyan? For christ sake! you are a poor lousy secretatary!! Sinong papatol sa undercover mo kung naka red mustang ka?" galit na saad ng nasa kabilang linya. Vester is like having a PMS right now.
"Kasi naman! Bakit sa lahat ng assassin ako yung naka assign dito? You said it will be a vacation? May bakasyon bang nag sesekretarya Vester? Nakaka inis ka!" bulalas ko sa kabilang linya.
"Do I have to repeat myself again Rock? Everybody is busy and ikaw nalang ang bakante. As a matter of fact, hindi ba bakasyon ang umupo lang?" Pang iinis lalo ni Vester.
Papatayin ko na sana ang telepono ng mag salita ito ulit.
"Wear your devices Rock and good luck!" namatay nalang bigla ang linya.
Inis kong binuksan ang glove compartment at kinuha ang isang maliit na box. Nandun naka lagay ang a-mic at e-plug (listening device). These are different ones, mas upgraded kumpara sa dati kong ginamit. Mas maliit pa sa butones ang a-mic at sing nipis ng papel naman ang e-plug. Nag beblend sila sa kulay ng kinakabitan nito.
Sinuot ko na ang devices. A-mic sa may taas na bahagi ng aking turtleneck at e-plug sa left inner ear.
"Happy now?" sarkastiko kong sabi sa kabilang linya. Napailing nalang ako ng may mahinang pagtawa akong narinig. Very supportive Steve!
"Mic and earplug ready! Good morning R" pagpapawalang bahala ni Steve sa una kong sabi.
"Ipakuha niyo ang sasakyan ko dito Steve. Make sure walang gasgas to pag uwi ko" utos sa kabilang linya sabay labas ng sasakyan.
"Yes Maaaaaaam!" napangisi nalang ako sa ka hyperan ng boses nito.
Nasa harap na ako ng building. May malaking SMITH Co ang naka paskil sa gitna ng 24 storey blue glass window building.
Magsisimula na ang pagiging lousy secretary ko in 3-2-1. Lumakad ako palapit sa may entrance sabay ayus ng eyeglasses ko.
"Good morning Ma'am! San po tayo?" bati ng security guard.
BINABASA MO ANG
His Assassin Girlfriend
ActionLittle did I know that finding justice will be this difficult. I was so focus on plotting my revenge until I met this guy. A guy who turned my focus lines into twist, who brought my world into upside down. I never thought that becoming his secretary...