ROCKY'S POV
Marahan kong hinihimas ang sentido ko. Naiisip ko palang na magkikita kami nang ex fiancé ko ay sumasakit na ang ulo ko. Ilang minuto nalang at siguradong darating na yun.
Bakit ka ba nagaalala? Naka disguise ka! Kalma
Bakit hindi? hindi naman buong mukha ko yung natatabunan. Iilang parte lang ng mukha ko ang nadagdagan baka mamukhaan parin ako.
Heto na naman ako! Nakikipag talo sa sarili. Hindi ko alam kung anong magiging takbo kung sakaling magkita man kami. Bahala na si batman.
Abala ako sa pakikipag talo sa sarili nang marinig kong tumutunog ang telepono sa aking desk.
"SMITH Co. How may I help you?" bungad ko sa kabilang linya.
"Hi! Is this the office of Mr. Adam Smith?" sagot naman ng kabilang linya. May kahawig ang boses na ito.
"Yes. May I know who is calling?"
"This is Kenji Angheles of A-Empire. I would like to speak with Mr. Smith please" Napangiwi ako nang makumpirmang siya nga ang taong nabosesan ko.
"Hold on. I'll transfer your call" dali-dali kong na i connect ang tawag ni Kenji sa boss ko. Ayokong matagal siyang kausap.
"Adam, Mr. Kenji Angheles is on line 2. He wants to speak with you." panimula ko na parang walang nangyari kanina.
Natatawa parin ako sa kalokohan niya kanina. Naka nakaw man siya ng halik 'eh nainis ko naman siya ng bongga. Buti nga.
Hindi man sumagot si Adam sa tugon ko ay alam kong dinampot na niya ang telepono. Binaba ko narin yung sa akin nang marinig kong nag-uusap na sila.
Naka hinga ako ng maluwag nang sabihin ni Adam na kanselado ang meeting nila ni Kenji. May naging importanteng lakad daw ito sa ibang bansa kaya ipinag paliban muna ang meeting nila.
Mabait ata ang tadhana sa akin ngayon kasi kahit na nainis ko si Adam 'eh hindi man lang nag suplado sa akin at bonus pa na hindi ko muna makikita si Kenji ng ilang buwan dahil sa biglaang lakad nito sa ibang bansa. Tapos na siguro ang trabaho ko by that time na maka balik siya.
Palihim akong napangisi sa mga kaganapan ngayong araw. Bumabawi ata ang panahon sa akin 'eh. Kaylangan ko ng matapos ang misyon na ito. Nabuburyo na ako dito, wala man lang aksyon.
Abala ako sa paglalaro ng Call of Duty sa telepono ko nang may babaeng biglang lumitaw sa harapan ko at akmang papasok sa opisina ni Adam ng walang pahintulot.
Nataranta ako saglit. Sino ba kasi itong istorbo na ito? Hindi ako pwedeng mag quit kasi naka rank match ako.
"Stop! You are?" pagpigil ko dito. Hindi ko parin siya nililingon, tinatapos ko lang ang laro.
"Are you talking to me?" May inis na ang tono ng babae.
"What do you think?" Paghahamon ko dito, busy parin ako at kaunti nalang matatapos na ang laro.
Hindi na sumagot ang babae at akmang pipihitin na ang door knob. Tuluyan nang natapos ang nilalaro ko at binaba ang telepono. Istorbo din ang babaeng 'to. Buti nanalo.
Ngayon, buo na ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ng opisina ni Adam. Pinasadahan ko ito nang tingin mula ulo hanggang paa. Maputi ito, halatang may yaman pero pansin din ang retokadang pisngi. Iba ako kumilatis sa natural at hindi. May kurba din ang katawan ng babae. Naka suot ito ng white dress at red pumps. Simple pero halatang mayaman ang babae dahil sa mga naka sabit na jewelries nito. Isa siguro to sa mga babae ni Adam.
Padabog akong tumayo at hinaklit ko nang mabilisan ang braso ng babae at inilayo siya sa siradora. Nabigla ata ito sa ginawa ko, ni hindi niya man lang natuloy ang plano na buksan ang pinto. Not that fast girl.
BINABASA MO ANG
His Assassin Girlfriend
ActionLittle did I know that finding justice will be this difficult. I was so focus on plotting my revenge until I met this guy. A guy who turned my focus lines into twist, who brought my world into upside down. I never thought that becoming his secretary...