Xiesha POV
Kasalukuyan akong nasa loob ng aking silid habang pinagmamasdan ang malakas na pag buhos ng ulan. Napabuntong hininga na lamang ako dahil bumabalik na naman ang ala-ala ng mapait kong nakaraan. Minsan ng minahal nagmahal, nagpaasa umasa, pinagsawaan nagsawa, nang iwan at iniwan. Pero paano kung ang akala mong para sayo na ay bigla sayong kinuha. Hindi naman ako perpekto pagdating sa larangan ng pag ibig ngunit pag mahal ko ay ipaglalaban ko."Xiesha"
Bumalik ako sa reyalidad ng pumasok sa aking silid ang aking Ina. Alam kong isa sya sa mga tututol sa pagpunta ko sa mundo ng mga Mortal ngunit desidido na ako sa aking desisyon."Alam mong delikado kapag bumalik ka sa mundo nila-"
Pinutol ko ang kanyang sasabihin
"Inay hayaan nyo na ako kasama ko naman si Alliah at si Aldus. Alam ko naman na Hindi nila ako papabayaan"
"Sige anak magpahinga ka na at bukas na bukas ay sasamahan namin kayo sa lagusan papunta sa mundo ng mga Mortal"Pagka-alis ng aking Ina inisip ko ang lalaking pinakaminamahal ko na pinatay ng mga Mortal na dahilan ng aking pagbalik sa kanilang Mundo hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan maaga ako nagising sapagkat ito ang araw na aking hinihintay papunta sa mundo ng mga Mortal.Pagkababa ko ay nadatnan ko na handa na ang lahat sa pagpunta namin sa lagusan.
Pagkarating namin sa ay sinubukan muli akong pigilan ng aking Ina at Ama ngunit buo na aking pasya.
"Aldus nawa'y ingatan mo ang mga anak ko"
"Makakaasa po kayo" saad ni Aldus sa aking Ina
"Ina,Ama alagaan nyo ang inyong sarili. Pangako babalik kami"
Ngunit bago kami pumasok sa lagusan ay binigay sa aming tatlo ang kwintas na may salamangka upang habang suot namin ito ay magiging normal din kami tulad ng mga tao
Niyakap kaming magkapatid ng aming mga magulang at tuluyan na kaming pumasok sa lagusan.