Chapter 3

0 0 0
                                    

Nagtataka akong tumingin sa kanya ngunit sinuklian niya ako ng isang matamis na ngiti.
"Hindi bat ikaw yong bagong nakatira sa tapat ng unit Ko?"
Hindi ko siya sinagot at hinawi ko ang kanyang kamay. Anong akala niya pagkatapos niya akong sungitan ay bigla na lamang niya akong hihilahin? Naramdaman ko na nakalapit na naman siya sakin. Ano bang problema ng lalaking to.
"Ano bang problema mo?" Sa sobrang inis ko'y hinarap ko na siya
"Okay okay. Alam kong nasungitan kita kanina. Pasensya na ha? Bagong gising lang kasi ako kanina e" Inirapan ko lang siya
"Gusto mo pagluto kita? Para makabawi. Magaling ata akong magluto"
Hambog din tong lalaking to ah. Pero hindi gagana sa akin ang mga galawan niya. May mas importante akong dapat asikasuhin kesa sa kanya. Nilampasan ko lang siya at nagmadali nang maglakad. Naririnig ko pa siyang sinigawan ako ngunit hindi ko na siya pinansin. Pagdating ko sa unit ko ay humiga ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng marinig ko na may kumakatok sa pinto. Baka si Aldus at Alliah na yon kaya't nagmadali akong buksan iyon. Ngunit pagbukas ko ay bumungad sakin ang mukha ng lalaking may mga asul na mata.
"Ano na naman bang kailangan mo?" Ngumiti siya nang napakalapad at inilabas ang isang lalagyan na may lamang ulam.
"Pinagluto kita. Sabi ko naman sayo babawi ako sayo kaya ayan pinagluto kita." Inirapan mo lang siya at tiningnan ang kanyang hawak. Sasaraduhan ko na sana siya ng pinto ngunit pinigilan niya ako.
"Pwede ba tigilan mo ako!" Naiinis na ako sa lalaki na to pasensyahan na lamang kami sapagkat hindi ako katulad ng mga mortal na sobrang lambot ng puso.
"Kunin mo lang to. Masarap to sobra" Ngiting ngiti pa ang loko.Tsss. Kinuha ko at pagkatapos ay sinarado ko na agad ang pinto. Tinapon ko na  lamang ang kanyang niluto.
Nagluto ako at pagkatapos ay kumain. Naglinis lang ako ng katawan saglit at humiga na. Haystt. Mag dadalawang buwan na din nang mawala sa akin si Primo. Masakit padin talaga. Hanggang ngayon sa tuwing napapapikit ako ay naaalala ko padin ang ang kanyang walang malay na katawan. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napagbabayad mahal ang gumawa sayo neto. Ako mismo ang papatay sa kanya. Ipaparamdam ko sa kanya ang galit nang isang bampira. Magsisisi siya sa ginawa niya sayo hinding hindi ako papayag na hindi ka maipaghhiganti. Pangako ako mismo ang PAPATAY SA KANYA. 

Vampire Fell Inlove Into A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon