Chapter 4

1 0 0
                                    

Kagagaling ko lang sa paghahanap at pagod na pagod ako. Bigo padin talaga ako na mahanap ang taong pumatay sa kanya. Habang nag iisip ako ay may kumakatok na naman sa aking pintuan. Hindi ko pinansin sapagkat alam ko naman kung sino na naman ang kumakatok na yan. Ngunit hindi talaga tumigil ito sa sobrang inis ay pinagbuksan ko na lamang ito.
"Ano na namang problema mo lalaki?" Hindi niya ako pinansin at pumasok na lamang siya basta basta sa loob. Makapal talaga ang mukha ng lalaking ito. Umupo siya sa sofa at tinitigan ako umupo na lang din ako ngunit may malaking espasyo sa pagitan naming dalawa. Binuksan ko ang telebisyon hinayaan ko na lang din ang lalaking ito pagod ako at wala akong balak makipagtalo pa sa may mga asul na mata na to.
"Salamat" hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako sa kanya. Binigyan ko lang siya nang makahulugang tingin.
" Salamat kasi hindi mo na ako pinagtabuyan. Hindi ko alam bakit pero naging interesado talaga ako sayo. Ngayon lang ulit nangyari sakin to."
Tinitigan ko lang siya hindi ko alam pero ramdam ko yong lungkot sa boses niya. Hindi rin naman ako mahilig makipagkaibigan lalo na at bago ko palang nakikilala pero iba ang isang to. Hinayaan ko lang siya magsalita
" Wala naman ako masamang balak sayo sa gwapo ko ba namang to. Alam mo gusto ko lang maging malapit sayo nakaka intriga kasi pagkatao mo. Alam mo bata palang ako yong mga magulang ko wala nang oras sakin sa trabaho lang lagi sila o kaya mas binibigyan nila ng oras yong kuya ko kasi sinasanay siya para sa kompanya namin. At ako? Nakapagtapos naman pero hindi gano. kaginhawa ng buhay ko tulad ni kuya kasi hindi ako umaasa sa kung anong na ipundar ng magulang ko. Nagsisikap ako para may masabi akong akin talaga at galing sa pinaghirapan ko."
Nakakaawa naman pala ang lalaking to kung titingnan nasa kanya na ang lahat para tuloy siyang bata. Inaantok na ako pero tuloy padin siya sa kwento  ng buhay niya
" Pwede ka ng umuwi inaantok na ako"
"Hindi kaba magkukwento?" Kung pwede lang ngunit hindi maaari dahil hindi niyo ako kauri. Tinulak ko na siya palabas ng unit ko.
"Teka teka. Anong pangalan mo pala? Ang dami ko ng na kwento pero hindi ko pala alam pangalan mo."   Tipid lang akong sumagot.
"Xiesha"  Tinitigan niya ako ng matagal at kasabay nito ang ay ang pagtibok ng puso ko nang napaka bilis
"Ielahiah Damniel ang lalaking napaka gwapo sa tabi ng unit mo"
Sinaraduhan ko na lamang siya ng pinto.  Nagdiretso ako sa banyo at naglinis ng katawan.
Habang Nakahiga sa kama ay biglang pumasok sa isip ko si Ielahiah. Mukhang mabait naman siya siguro'y wala naman masama kung kahit sa kanya manlang ay maging malapit ako. Kahit sa kanya lang. Pakikisamahan ko na lang din nakakaawa e. 

Vampire Fell Inlove Into A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon