Chapter 2

6 0 0
                                    

Naramdaman kong ginigising ako ni Aldus. Pag mulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang magulong syudad.Naghanap agad kami ng isang maayos na matutuluyan pansamantala habang naglalagi kami sa mundo ng mga Mortal.

Sa aming paghahanap ay napag desisyunan ko na humiwalay na lamang sa kanila sapagkat alam ko na mas makakagalaw ako ng ayos kung ako lamang at upang mapadali ang aming paghahanap.

Nakahanap din agad ako ng isang condo unit. Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay naalala ko na naman ang alaala ni Premo

Flashback
Kasalakuyan akong nasa mundo ng mga mortal habang nagagala. Ngayon lamang ako nakarating dito at kakaiba ang kanilang pamumuhay kumpara sa aming mga bampira. Kapag ako ay kinasal na kay Premo at naging reyna ng mga bampira siguradong hindi na ako maaaring sumuway pa sa patakaran.  Kailangan ko ng sulitin ang araw na to ngunit na bigla ako nang biglang sumipot sa harapan ko ang aking kapatid
"Ate Xiesha kailangan na nating bumalik sapagkat sinundan ka dito ni Kuya Premo at may nangyaring hindi maganda"
Sa sandaling marinig ko pa lamang ang kanyang sinabi ay wala na akong sinayang na oras at nagmadaling bumalik sa aming mundo.
Nang makarating kami ay tumambad sa akin ang walang malay na katawan ni Premo. Nanginginig ang buo kong katawan habang dahan dahang akong lumalapit sa kanya. Nag uunahan ang aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadarama. Hindi hindi maaari. Bakit kung kailan kasal na lang ang ating hinihintay nangyari pa ang mga ito?  Gusto kong magising sa bangungot na ito Paano na ako?
Sino ang pumatay sa kanya?

Present :
Bumalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang pagtulo ang aking mga luha. Hanggang ngayon ay sariwa padin ang sakit at alaala na yon.
Pinahid ko ang aking mga luha at inayos ang sarili ko upang lumabas at bumili ng pagkain.
Pagkabukas ko ng aking pintuan tamang pagbukas rin ng pinto ng katapat kong unit. Sumalubong sa akin ang lalaking may mga bughaw na mata sa hindi ko alam na dahilan ay napatulala ako saglit. Sinubukan ko siyang ngitian subalit hindi ako pinansin at nagdiretso lamang ito palabas. Napaka suplado naman ng lalaking iyon.
Dumiretso na lamang ako patungo sa isang store. Dinamihan ko ang aking pinamili sapagkat baka pumunta si Aldus at Alliah upang makikain. Habang nakapila ako sa counter ay napansin ko na nasa likod ko ang lalaking may mga bughaw na mata hindi ko na lamang siya pinansin dahil baka sungitan lamang ulit ako.
Habang palabas ako ay may humila sa braso ko. Napalingon ako sa humila sa akin at nakita ko ang lalaking may mga bughaw na mata.

Vampire Fell Inlove Into A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon