Chapter 8

0 0 0
                                    

Nasa harap ako ngayon ng pinto ni Ielahiah, nanginginig akong kumatok sa kanya. Mabilis pa sa alas tres ay napagbuksan niya agad ako. Niyakap niya ako nang napaka higpit. Nanghihina ako ayaw ko na makita siyang maging malungkot. Niyaya niya ako sa loob at umupo sa sofa.
" May pagtatapat ako sayo" tumingin ako sa kanya at bakas sa kanyang mata ang lungkot umiwas ako ng tingin sa kanya
"Xiesha wag mo naman ako pakabahin ng ganyan."
" Hayaan mo muna akong makatapos pakiusap." Mas lumapit siya sakin at hinahayaan akong magsalita
" Hindi ko alam kung maniniwala ka pero hindi ako katulad mo hindi ako tao, bampira ako at ang dalawang bisita ko ay kagaya ko din. Totoo ang sinasabi ko sayo na hinahanap ko ang pumatay sa kasintahan ko at alam mo ang masakit matagal ko na pala siyang nakilala matagal ko na siyang natagpuan, minamahal ko na pala ang taong yon at ikaw yon Ielahiah."
Niyakap niya ako ng napaka higpit at hindi ko na napigilan na umiyak na naman. Masakit na makita ko siyang ganito. Nanatili siyang nakayakap sakin
"Kailangan na namin bumalik bukas sa mundo namin. Pumunta ako dito para magpaalam sakin" Ramdam ko ang kanyang paghikbi. Ang sakit sakit hindi ko gusto to pero alam kong hindi kami maaaring magsama.
"Pasensya na kung dahil sakin nawala siya sayo napatay ko siya pero ginawa ko lang yon dahil niligtas ko yong sarili ko. Kung alam ko na may kasintahan siyang katulad mo hinayaan ko na sanang patayin niya ako"
Lalo akong napaiyak sa sinabi niya parehas na kaming umiiyak ngunit nanatili padin kami sa ganong posisyon
" Wala kang kasalanan Ielahiah."
" Pwede bang sumama na lang ako don?"
Hindi ko talaga kaya ang hirap na ganito na kailangan namin magpaalam sa isa't isa
" Hindi maaari sapagkat labag yon sa amin. Alam kung malulungkot ka sa pag alis ko ngunit batid kung magiging ayos ka din. Isipin mo na lang na katulad lang ako nang ibang tao na dumaan lang sa buhay mo. Masakit sakin to alam kung mali pero sinubukan ko padin at ito parehas tayong talo. Wag mo kakalimutan na may isang tunay na bampira na nagmamahal sayo ng totoo."
" Hinding hindi kita makakalimutan. Ang daya mo naman kasi bakit hindi na lang kasi naging tao kana lang din? Ang sakit sakin. Kalalaki kong tao pero ito ako umiiyak sa harap mo. Xiesha pakiusap wag moko iwan. Sobra akong nasasaktan ang sakit na. Lahat gagawin ko manatili ka lang sa tabi ko."
Mas lalong dinurog ang puso ko sa mga narinig ko. Hindi ko ata kakayaning umalis na ganito siya.
"Tanggapin na lang natin na magkaiba ang mundo natin. Hindi lahat ng kwento ay nagtatapos na masaya at itong kwento natin ay isa don." Iniharap ko siya sa kanya
"Ayaw kong makita na ganito ka kapag umalis ka lalo akong nahihirapan Ielahiah." Pinunasan ko ang kanyang mga luha.
"Ang hirap Xiesha masakit sobra pero ayaw ko naman na lumabag ka sa batas niyo para lang sakin. Mahal na mahal kita. Pwede bang kahit ngayong gabi lang dito ka matulog sa unit ko?"
Pumayag ako sa gusto ni Ielahiah at pinagluto na naman niya ako kahit daw kasi sa huling pagkatataon ay maipagluto niya ako sapagkat sa pagbabalik ko sa mundo namin ay hindi na ganito ang pagkain ko.

Ielahiah POV
Pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Xiesha habang inaalala ang masasayang araw na magkasamakami.
Pagdating sa kanya wala akong pakialam kung gaano ako kadrama. Kanina nong nalaman ko ang lahat sobrang bigat sa dibdib. Nagkaroon na din naman ako ng kasintahan ngunit masasabi ko na iba si Xiesha sa lahat ng babae na nakilala ko. Siya yong muling nag balik ng saya sa buhay ko pero siya din pala ang babawi nito. Napaka sakit na mahal niyo yong isa't isa pero hindi maaaring maging kayo. Bukas ay sasamahan ko sila sa lagusan papunta sa kanilang mundo. Masakit man makita na aalis ang taong mahal ko ngunit wala naman akong magagawa sapagkat ito ang nararapat. Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay mapupunta sayo. Hindi lahat ng gusto mong mangyari ay tutugma sa kagustuhan mo.

Niyakap ko sya ng napakahigpit at hinalikan ko ang kanyang noo dahil ito na ang huling gabi na makikita at makakasama ang taong mahal ko.

Vampire Fell Inlove Into A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon