Chapter 9

0 0 0
                                    

Xiesha POV
Kadadating lang namin sa lagusan. Ito na ang huling araw na makikita at makakasama si Ieliliah. Masaya ako na maayos kaming maghihiwalay at haharapin ang magkaiba naming mundo. Lumapit ako kay Ieliliah upang magpaalam hinawakan ko ang kanyang kamay
"Mag ingat ka palagi wag mong papabayaan ang sarili mo. Tandaan mo na kahit malayo tayo sa isa't isa patuloy pa rin kitang mamahalin at mananatali ka pa rin sa puso ko." Kasabay ng pag patak ng luha ko. Hindi ko mapigilin ang sakit ng nararamdaman ko.
"Ikaw rin mananatiling ikaw lang kahit malayo at malabong magkatagpo muli ang ating mundo."
Isang mahigpit na yakap at matamis na halik ang huli naming paalam sa isa't isa at tuluyan na maming pumasok sa lagusan.

Pagdating namin sa aming mundo ay nagpahinga ako sapagkat pakiramdam ko ay pagod na pagod ako hindi lang pisikal kundi pati emosyonal.

Pagkagising ko ay kinausap agad ako ng aking ina. Alam kung batid na nya ang nangyari sa akin
"Anak, ayos ka lang ba sa naging desisyon mo ba ay masaya ka ?
"Kung pipiliin ko man sya alam kung hindi rin magiging maayos. Mas pipiliin kong masaktan sya ng panandalian at sa dulo makikita ko ang saya nya ng pang matagalan dahil pinagtagpo lang kami pero hindi kami para sa isa't isa."
"Kung yan ang sa tingin mo ang makakabuti susuportahan kita."
Biglang dumating ang aking kapatid na si Alliah at siya naman ang kinausap ng aking ina. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa paborito kong lugar kapag gusto kong mapag isip.
Nong una namatay si Primo sobrang hirap at sakit ng pinagdaanan ko. Sinubukan kong hanapin yong pumatay sa kanya pero sa taong yon din pala ako mahuhulog. Napaka gulo ng sitwasyon namin pero mas magiging magulo kapag nanatili ako sa tabi niya lalo na at labag samin ang makipag relasyon sa mga tao ayaw ko na may mamatay muli dahil sa pagsuway ko sa batas namin. Tama na ang isang beses natuto na ako at hindi ko na muling uulitin pa yon.
Kailangan ko ng tanggapin na hindi na kami magkikita pa. Mananatiling alaala na lamang ang masasayang araw na magkasama kami. Hindi ako nababagay sa kanya sapagkat sobrang laki ng pinagkaiba ng aming mundo. Alam kong may taong magmamahal sa kanya higit pa sa pagmamahal na pinaramdam ko. At alam kong may tamang bampira din ang magmamahal sakin sa ngayon hahayaan ko muna na maghilom ang mga sugat at alam kong kailangan ko din bigyan ng oras ang aking sarili. Ang pagtanggap sa mga bagay na hindi naaayon sa ating kagustuhan ay mahirap ngunit sa huli ay magiging maayos at maiisip din natin nasa huli mas nakabuti pala ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire Fell Inlove Into A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon