Ielahiah POV
Inaayos ko ang ulam na ibibigay ko kay Xiesha. Tagal na rin naming magkakilala at lagi ko tong ginagawa sa kanya at ramaldam ko sa sarili ko na hindi na normal ang ganito at alam ko na nahulog na ako sa kanya. Kumatok ako sa kanyang pintuan at mabilis nya naman itong binuksan. Nung una'y akala ko napakailap nya sa akin ngunit ngayon napakalapit na namin sa isa't isa. Ito ang araw na napaka espesyal sa akin sapagkat buo na ang aking desisyon na ipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman.
"Oh ano na naman yang dala mo?" Imbis na sagutin ko ang kanyang tanong ay niyakap ko sya. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.
"Ano bang nangyayari sayo may mga asul na mata?" Kinakabahan akong humarap sa kanya
"Hindi ko alam paano nangyari pero ito ako ngayon minamahal ka. Gusto kong kasama ka at laging ipagluto ka" Tinitigan niya lang ako sobrang kinakabahan ako
"Ayos lang naman kung hindi din ganon ang nararamdaman mo sakin. Handa akong mag intay"
Natatakot ako sa sasabihin nya pero handa akong tanggapin kung ano man ito.
"Alam mong hinahanap ko ang taong pumatay sa dati kong kasintahan_
-"
" Hindi naman kita pipigilan maghanap tutulungan pa kita" Kumunot ang kanyang mukha
"Patapusin mo kasi muna ako" Tumango na lang ako dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko
"Alam mong hinahanap ko ang taong pumatay sa dati kong kasintahan at sa paghahanap kong yun at isang taong may mga asul na mata ang natagpuan ko at minamahal ko ngayon."
Nabigla ako sa kanyang sinabi at niyakap ko na lamang sya ng napakahigpit.Xiesha POV
Kasalukuyan nakahiga sa lap ko si Ielahiah habang pinagmamasdan ko syang natutulog. Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula ng naging kami at madalas na sya natutulog sa unit ko. Hindi ko naman kinakalimutan ang totoong pakay ko kung bakit ako nandito sa mundo ng mga tao ngunit ngayon ko lang ulit ito naramdaman simula ng mawala sa akin si Primo.
" Tinitigan mo na naman ang gwapo kung mukha "
"Oo naman hindi kasi nakakasawang pag masdan" Ito na naman kaming dalawa nakasanayan na namin ang ganito.
"Hindi lang mukha mo ang nagustuhan ko sayo syempre yung buong pagkatao mo"
Biglang tumunog ang telepono ko.
"Abala naman yan" Narinig kong binulong nya.
"Xiesha papunta na kami dya ni Aliah ngayon"
"Sige para maiapakilala ko na rin sa inyo yung matagal ko ng ikinukwento. Mag ingat kayo " Matagal ko na din gusto ipakilala si Ieliliah sa kanila.
"Pupunta sila ngayon dito sa unit ko ipapakilala na rin kita sa kanila" Bigla nya akong niyakap mula sa likuran ko.
"Magugustuhan kaya nila ako?"
"Oo naman gustong gusto ka na nga nila makita e." Alam kong magugustuhan nila si Ieliliah kahit malaki ang pagkakaiba namin.
Biglang may kumatok sa pintuan ko andyan na ata sila.
"Saglit lang pagbubuksan ko lang sila ng pintuan" Binitawan nya ako mula sa pagkakayakap nya sa akin.
Pagbukas ko ng pinto tumambad ang mukha ni Aldus na gulat na gulat. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nya na para bang may nakita syang multo. Siguro nagagwapuhan sya sa mukha ni Ielaliah BWAHAHAHA. Magsasalita na sana ako ng biglang-.
"Sya ba Xiesha ? Sya ba ang ipapakilala mo sa amin?" Sa tono ng kanyang pagsasalita ay parang may inis. Lumapit si Ielahiah sa kanya
" Ielahiah pre" Hindi siya pinansin ni Aldus at humarap sakin
"Maaari ba tayong mag usap Xiesha? Yong tayo lang tatlo" Hindi ko alam pero ramdam ko ang ibang pakikitungo ni Aldus sa kanya.
"Xiesha don na lang muna ako sa unit ko" Pilit niya lang akong nginitian
Umupo sa sofa si Aldus at Alliah
" Ano bang problema mo Aldus at ganon ka kay Ielahiah?" Tiningnan niya ako ng masama
" Ate itigil mo yang kahibangan mo" Nabigla ako sa sinabi niya
" Ano bang problema niyo?" Napataas na ang boses ko sa sobrang inis hindi ko alam ayos naman sa kanila kapag kinukwento ko sa kanila at gustong gusto nila ito makilala .
" Ate kasi siya, siya ang pumatay kay kay kuya Primo! Pumunta ka dito para hanapin ang pumatay sa kanya hindi para ipagpalit siya dito!" Sa sobrang inis ay nasampal ko siya at nag uunahan ng bumagsak ang mga luha ko.
" Aldus" Tiningnan ko siya at alam kong gusto ko marinig ang kanyang nalalaman
" Nong sinabi ko sayo na nakita ko na siya ay pinasundan ko siya agad at napag alaman ko na may kasintahan ito at hindi ko inaakala na ikaw pala yon kaya kami nagpunta dito na para sabihin sana na mas maganda kung yong kasintahan din niya ang patayin mo ngunit paano mo papatayin ang sarili mo hindi ba? "
Pinilit kong maglakad papunta sa pinto kailangan kong malaman kung totoo nga ang sinasabi nila.
" Saan ka pupunta Xiesha" Nanatili akong nakatalikod mula sa kanila
" Dba may tattoo na ibon ang lalaking iyon sa balikat. Ngayon titingnan ko kung totoo lahat ng sinasabi niyo"
" Hibang ka ate. Nagpunta ka dito ng buong buo sa desisyon mo ngunit mukhang mabubulag ka dahil sa pag ibig mo sa kanya"
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at nagdiretso na ako palabas ng pinto. Nanginginig akong kumatok sa pintuan niya. Magulo pa pero gusto ko talagang malaman ang totoo ngayon. Isang yakap ang sumalubong sa akin. Hinigit niya ako papasok sa loob ng unit niya
"Xiesha ramdam ko na ayaw nila sakin" Hindi ko siya pinansin at minadali kong tinaas ang kanyang manggas at tumambad sakin ang tattoo na ibon sa kanyang balikat. Hindi ko na mapigilan umiyak sa harap niya. Hindi hindi maaari. Bakit siya pa?