Nagising ako sa maingay na tunong ng aking telepono, Sino ba ang walang hiyang agang agang nang gigising ng ganitong oras.
"Ate kamusta ka na ?" Kapatid ko lang pala.
"Ayos lang ako, Kayo dyan ni Aldus kamusta?"
"Ayos lang din ate. Pasensya na kung hanggang ngayon hindi pa rin namin nahahanap ang pumatay kay kay Kuya Primo"
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Alliah. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na matatagpuan ko ang lalaking yun.
"Hayaan mo at mahahanap din natin sya. At hinding hindi ako papayag na hindi ko maipag hihiganti si Premo"
Ibinaba ko na ang telepono. Bumabalik na naman ang sakit sa tuwing naaalala ko sya. Napagpasyahan ko muna na mapunta sa Park malapit sa tinutuluyan kong unit.
Ang lamig sa labas at ang lakas ng simoy ng hangin. Iniisip ko na naman kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita ang pumatay kay Primo. Ilang araw na rin kaming naghahanap at binalikan na din namin yong lugar kung saan siya napatay. Ngunit isa na lang ang napanghahawakan ko. Ang sabi ni Aldus ay may tattoo na ibon ang lalaking ito
"Primo pangako mahahanap ko at maipaghihiganti ka sa lalaking pumatay sayo"
Naramdaman ko ang pag lapat ng isang bagay sa aking balikat kasabay ng pagsasalita ng isang malamig na boses.
"Lumalabas ka ng ganitong oras ang lamig lamig pa naman" Si Ielaliah talaga kung saan saan na lang sumusulpot.
"Ang sarap kasi pag masdan ng paligid. Nakakapag isip din ako dito"
"Sabagay ito rin ang madalas kung puntuhan kapag gusto ko mag isip at mapag isa"
Napatitig ako sa mukha ni Ieliliah. Ang mga bughaw nyang mag mata, ang mapupula nyang labi , ang matangos nyang ilong. Parang isang anghel ang kaharap ko isang perpektong tao.
"Hoy matunaw ako nyan Xeisha HAHAHA"
At dun ako bumalik sa reyalidad sa aking pag iisip. Ano ba Xeisha kung ano ano pumapasok sa isip mo nakakahiya ka.
"Ikaw ba tinitingnan ko ha ? Kapal naman ng mukha mo !" Bwesit nakakahiya feeling ko tuloy pulang pula ng mukha ko. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya napukaw ng dalawang makasintahan ang aking atensyon. Kitang kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa ganyan din sana kaming dalawa kung hindi siya namatay. Naramdaman ko na may nagpupunas sa aking mga luha, si Ielahiah.
" Handa akong makinig sa sakit na nararamdaman mo, sa problema mo"
" May pumatay sa kasintahan ko" Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.
" Bakit hindi mo hinahanap ang pumapatay?" Kung alam mo lang ang tagal ko nang naghahanap pero hindi ko padin talaga mahanap gustong gusto ko na siya singilin sa pagpatay niya sa taong mahal ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko kailangan ko nang umuwi pupuntahan ko sila Aldus.
" Hinahanap ko siya at ako mismo ang papatay sa kanya" Naglakad na ako akala ko'y susunod siya sakin ngunit nang lumingon ako ay nanatiling nakaupo siya at nakatitig sakin.
Pagdating ko sa unit ay nakita kong tumatawag si Alliah.
" Ate nakita na siya ni Aldus pero may inaayos pa siya. Mag relax ka muna ate dahil mapapatay mo na siya" Hindi ko alam pero kinakabahan ako na masaya sa nalaman ko. Sa wakas ay mapaghihiganti ko na siya
" Salamat sa inyo Alliah" pinatay ko na ang tawag. Primo konting panahon na lamang