Sobrang sikip ng dibdib ko. Humarap ako sa kanya siya ang pumatay kay Primo.
" Bakit ka umiiyak? At bakit mo tinitingnan ang tattoo ko?"
"Ikaw ikaw ang pumatay sa kanya" Kita ko na naguguluhan siya sa sinabi ko
" Xiesha hindi ako mamatay tao. Ano kaba?" Ang sakit kailangan ko munang mag isip. Akmang lalabas na ako ay bigla siyang yumakap sa likod ko
"Xiesha hindi ko alam sinasabi mo wag mo naman ako talikuran. Pag usapan natin to" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
" Bitawan moko. Hayaan mo muna ako. Pakiusap." Hindi siya umalis sa pagkakayakap sakin
" Sige pagbibigyan kita pero pakiusap ko din sayo ayusin natin to ah?" Pagkabitaw niya ay nagmadali na ako lumabas hindi ko na mapigilan ang luha ko na sunod sunod na pumapatak. Masakit sa akin na ang taong minamahal ko ngayon ay ang taong pumatay sa lalaking minahal ko. Pero bakit ganun hindi nya alam ang ginawa nya. Naguguluhan ako sobrang sakit. Kailangan ko mag isip.
Pagpasok ko sa unit ko ay nakita ko si Alliah na nagluluto.
"Nasaan si Aldus?"
" Kinuha yong gamit namin sa unit dito na daw kami" Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga na lamang nakakapagod nakaka panghina ang mga nalaman ko ngayon. Ano nga ba ang dapat kong gawin. Bago pa lamang ako napapapikit nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Tamad akong tumayo sa kama ko at binuksan ito.
" Ate mag usap tayo" Haysttt. Pinapasok ko siya sa kwarto ko
" Alam ko na mahirap ate ngunit batid mong kaya tayo nagpunta dito ay upang mapatay mo siya. Nagpapunta na din si Ina ng isang bampira at binalaan tayo na hindi na dapat pa tayong magtagal dito"
Matagal na din ang nalagi namin dito at kailangan na nga talaga namin bumalik. Ngunit paano? Naiiyak na naman ako sa tuwing maiisip kailangan ko bumalik sa mundo namin at iwan ang may mga asul na mata.
" Hindi ko siya papatayin."
" Ngunit ate yon ang pinunta mo dito. Pero hindi nga naman kita masisi." Masakit man pero kailangan ko tong gawin
" Sa susunod na araw babalik na tayo sa mundo natin ngunit hayaan niyo muna ako na makausap ko siya" Binigyan niya lamang ako ng isang tipid na ngiti
" Sige ate magiging okay din ang lahat. Tandaan mo hindi tayo nararapat sa mundo nila" Paglabas ng kapatid ko ay tsaka nag uunahang lumabas ang mga luha ko.
Kailangan ko siyang kausapin. Ipagtatapat ko na siya ang lahat. Hindi ko alam kung matatangagp niya bampira ako pero gusto kong maayos kamu bago ako umalis sa mundo nila.
Primo pasensya na pero hindi ko matutupad ang pangako ko sayo. Nahulog ako sa taong pumatay sayo at hindi ko kaya na patayin siya. Kailangan kong gawin ang tama at iwan siya yon ang nararapat. Hindi na ako kumain at natulog na lamang ako bukas na bukas ay kakausapin ko din siya.