Chapter 36

2.4K 45 0
                                    

Author's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's POV

Habang nagkasiyahan sa loob ng bahay ng pamilyang Clinton , di nila alintana ang mga kalalakihan na pumasok sa loob .. agad pinatay ang electric supply nila dahilan para mamatay lahat ng ilaw , at maisagawa ang binabalak nila yun ay ang pag dukot kay Savannah. Nagtagumpay nga sila sa plano nila at dinala si Savannah sa warehouse kung saan nandoon din ang nag-utos sa kanila.

"Nakuha na po namin siya boss , anong gagawin namin sa kanya ?" tanong ng isang lalaking naka bonnet

"Wala kayong gagawin sa kanya , ipasok niyo siya sa isa sa mga kwarto dito , at ihanda niyo ang yate na sasakyan natin" saad nito sa kanyang mga tauhan

"Opo boss" sagot nila

Dinala nila si Savannah sa loob ng isang kwarto , napakadilim dito at tanging munting ilaw lang ng buwan ang nagsilbing liwanag sa loob , pero kahit ganun .. madilim pa rin ito , makapal din ang alikabok dito at nagkalat ang mga karton sa paligid . Pagkatapos nilang maipasok si Savannah sa loob ay sinirado nila ito at siniguradong hindi ito mabubuksan. 

Samantala , palihim namang nagmamasid si Bianca sa kanila .. napatingin siya sa susi na nasa beywang ng lalaking kulot ang buhok at puno ng tattoo ang katawan.

'Kailangan kong makuha ang susi na iyon' saad niya sa kanyang isipan

Agad siyang umalis sa pinagtataguan niya at tinungo ang isang silid sa warehouse

"I need your help" saad niya sa taong nakaupo sa nakatambak na mga cartoons , inangat nito ang kanyang ulo dahil nakayuko ito na tela may iniisip

"Bianca" mahinang tawag niya , bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at kaba na baka may makakita sa kanilang dalawa , agad niyang hinila si Bianca at sinirado ang pintuan "Anong ginagawa mo dito ?!" mariin ngunit mahinang tanong nito , na tanging sila lang ang nakaririnig

"I need your help" saad ni Bianca

"Bianca , napakadelekado ang pinasok mo ! pag nalaman nila ang pinagagawa mo ! pwede ka nilang patayin alam mo ba yun ?!" pero tinignan lang siya ni Bianca na walang emosyon ang mukha

"Matagal na akong pinatay , kung papatayin man nila ako , wala akong pakialam ... total , wala rin namang nagpapahalaga sa akin .. kaya please lang , tulungan mo ako .. wag kang mag-alala hindi kita idadamay kung sakali mang mahuli ako" saad niya , napahilamos na lang ng mukha ang kausap ni Bianca na si Tyler .. si Tyler ay katulad rin nila na walang magawa kundi maging sunod-sunuran , at gaya ni Bianca pinatay din ang mga magulang niya

At kaya lang siya nanatili na sa halip ay umalis na siya sa puder nila , ay dahil gusto niyang ipaghihiganti at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.

"At sa tingin mo hahayaan kitang mapahamak ?" napabuntong hininga na lang siya at napahilamos sa kanyang mukha , tinignan niya si Bianca "Anong tulong ba ang kailangan mo ?" tanong niya kay Bianca

"Pumunta ka sa bahaging likod ng warehouse , may makikita ka doong plastic bag na kulay pula , kunin mo iyon at dalhin mo kung saan nila dinala si Savannah" saad ni Bianca

"Anong laman ng plastic bag na yun ? at sino si Savannah ?"

"Malalaman mo rin kung anong laman nun , basta dalhin mo iyon sa kaliwang bahagi ng warehouse , may silid doon na nakakandado , nandoon si Savannah"

"eh paano ko ito madala doon ? eh nakakandado pala"

"Kukunin ko ang susi , kaya hangga't wala pa ako , magtago ka muna para hindi ka nila makita at di rin sila magtaka .. sige na , time is running , kung may mangyari mang masama sa akin , gusto ko lang sabihin sayo na .. masaya ako dahil nakilala kita" saad ni Bianca at mabilis na lumabas ng silid , natulala naman si Tyler sa sinabi ni Bianca habang nakatingin sa pintuan kung saan siya lumabas

"Masaya rin akong nakilala ka Bianca" usal niya at lumabas na rin siya sa kwarto at agad tinungo ang likod ng warehouse , gaya nga ng sinabi ni Bianca ay kinuha niya ang plastic bag .. agad siyang nagtago ng may narinig siyang mga yabag papunta sa gawi niya

Nagtago siya sa likod ng malaking puno na malapit lang sa kanya

"Parang may narinig akong ingay dito" saad nung isang lalaki

"Baka pusa lang ang narinig mo" sagot naman nung isa , agad namang nakaisip ng paraan si Tyler at ginaya niya boses ng pusa

"Meow"

"Sabi ko sayo eh , pusa lang yun .. tara na nga .. baka mapagalitan pa tayo ni boss"

Nakahinga naman ng maluwag si Tyler at pinunasan ang mga pawis niya ..

"buti na lang" usal niya habang napasandal sa puno , ng kumalma ba siya ay agad na siyang lumabas doon at tinungo ang sinabi ni Bianca

Samantala , si Bianca naman ay nag-iisip ng paraan upang makuha niya ang susi . Sumandal muna siya sa pader hanggang sa may pumasok sa isip niya.

"Alam ko na !" napatakip siya sa kanyang bibig at sumilip sa mga lalaking kumuha kay Savannah "buti na lang talaga , ang ingay mo talaga Bianca" dugtong niya habang pinitik-pitik ang kanyang bibig , sumilip ulit siya at pagkatapos ay pumunta siya sa kabilang bahagi ng warehouse kung saan , nakaimbak ang pagkain nila ... nag-iimbak kasi sila ng pagkain para sa pang-araw araw nilang kainin .. nasa warehouse lang kasi sila namalagi habang nagpaplano .. kumuha siya ng makakain doon at pumunta sa mga kalalakihan habang paekis ang lakad ..

"Hi boys" bati niya dito at bahagyang yumuko kaya nakita nila ang kanyang cleavage upang maakit ang mga ito "nagdala ako ng makakain niyo" dugtong niya at nilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain , gusto niyang suntukin yung lalaking humipo sa kanya pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili dahil may kailangan pa siya

"Can I join ?" sexy niyang tanong , agad namang lumawak ang mga ngiti nila ...

"Sige lang Miss" saad nung nakabonnet

"Syempre naman , sino ba naman ang tatanggi sa ..." tumigil muna ito sa pagsasalita at pinasadahan siya ng tingin "sexy at malamang babaing tulad mo" dugtong niya , gusto niyang masuka sa sinabi nito pero nginitian niya lang ito ng matamis , dahan-dahan siyang umupo sa tabi nung lalaking nakahawak sa susi.

Pinagmamasdan lang niya ang mga ito , at sa tuwing may iaabor silang alak sa kanya ay palihim lang niya itong tinapon

"Grabeh !! ahng lhakash mho phalhang umihnohm"

"Oo , cheers !!" saad niya at nagkukunwaring lasing , hanggang sa kapwa na itong tulog .. yun na ang pagkakataon niya para makuha ang susi , dahan-dahan niyang kinuha ang susi mula sa beywang ng lalaking kulot ang buhok , pagkatapos niya itong makuha ay agad na siyang tumayo at napinaypay ang kamay niya sa kanyang sarili ..

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon