"Congratulations !!" Bati nila sa akin sabay yakap
"Picture muna tayo guys !" Sigaw ni Jasmine , nagsilapitan Naman yung iba , kinuha ni Chad yung camera dahil nagprisenta siya na siya na lang daw ang kukuha
"Yes cheese !!" Sigaw niya , Kaya gaya ng sinabi niya sabay kaming sumigaw ng
"Cheese !!"
Kung ano ano na ang ginawa naming position , expression sa mga mukha namin sa huling shots ni Chad , binuhat ako ni Rayleigh at hinalikan ako saglit , napatitig ako sa kanya ng di oras , he smiled at me
"I love you wife" he said and kiss me again , this time sinabayan ko na ang mga halik niya , naghiwalay lang kami ng pareho kaming naubusan ng hininga , pinagdikit niya ang mga noo naming dalawa pagkatapos ay niyakap niya ako.
Kanina ko pa gustong magpalit ng damit dahil nangangati na ako sa suot ko , at the same time pagod na ako.
"Ava" napalingon ako sa taong tumawag sa akin , si Ralph lqng pala
"Oh Ralph , bat ka nandito ? Dapat nagsaya ka kasama nila Minjun" Saad ko , ngumiti siya sa akin ng napakatamis
"May gustong kumausap sayo" Saad Niya , napatingin ako sa likuran niya , ngayon ko Lang napansin may kasama pala siya , lumingon siya sa likuran niya at hinawakan Ito , ng makita ko na ang mukha Niya medyo nagulat ako , matagal na kasing di ko siya nakita. Napatayo ako sa pagkakaupo.
"Tita Evangeline ?!" Bulalas ko , bigla Naman siyang napayuko dahil sa reaction ko , syempre nagulat ako eh.
"Maiwan ko muna kayo" Saad ni Ralph at nagsimula ng maglakad paalis , tumingin ako Kay Tita Evangeline na nakayuko pa rin.
"A...ahm , sa pavilion tayo mag-usap" Saad ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad , naramdaman ko ring sumunod siya sa akin , nahihirapan pa ako sa paglalakad dahil may kabigatan itong gown ko dahil sa mahabang train nito. Napalingon ako sa likuran ko ng mapansin kong gumaan Ito
"Masyadong mabigat ito kaya binuhat ko na" aniya , tumango na Lang ako bilang sagot
Narating namin ang pavilion kaya agad akong umupo sa swing na nandoon , pinalagyan na kasi Ito ni Rayleigh. Walang sinuman sa Amin ang nagtangkang magsalita , at pareho Lang kaming nakatingin sa magandang tanawin na nasa paligid ng pavilion.
"Nakalabas ka na pala , ba't di kita nakita sa simbahan ?" Panimula ko , ako na lang kasi ang pumutol sa katahimikan namin.
"Oo , kaninang umaga lang ako nakalabas .. at nandoon ako sa simbahan nagmamasid , hindi ko kasing magawang magpakita sa inyo , ayokong masira ang araw mong Ito" napalingon ako sa kanya na nakatingala sa langit.
"Hindi ko alam Kung saan ako magsisimula , pero Isa lang ang masasabi ko" lumingon siya sa akin bago siya magsalita "I'm sorry , patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa inyo Lalo na sa pamilya mo , malaki ang kasalanan ko sa Inyo" Saad niya , nagulat ako ng bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko dahilan para mapatayo ako
"Ti...Tita , tumayo po kayo" Sabi ko sa kanya at pilit ko siyang pinapatayo pero umiling lang siya ng umiling kaya bahagya akong yumuko para mapantayan siya "Tita , matagal ka na naming napatawad , alam namin na nadala ka lang sa galit at inggit mo noon kaya nagawa mo yun , Kaya please Tita tumayo ka na at bumalik na tayo doon , kanina ka pa nila hinihintay" dugtong ko at niyakap siya , niyakap Niya rin ako pabalik habang humihikbi.
"Salamat hija" tanging Saad Niya , nagkwekwentuhan muna kami saglit hanggang sa napagpasyahan na namin na bumalik.
Ang araw na Ito ay napakasaya , hindi ko akalain na darating pa kami sa panahon ngayon ... Marami man ang nangyari , pero nalampasan namin yun dahil sa pagtutulungan namin , mga kaaway na naging kaibigan rin namin .
"Ang lalim ng iniisip mo ah baka malunod ka niyan" Saad niya , ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi
"Iniisip ko Lang yung mga panahon na nagbabanghayan tayo lagi hahahaha akalain mo yun ? Yung mga aso't pusa noon , nagkakaintindihan ngayon" usal ko , hinapit niya ako sa bewang at pinaharap sa kanya
"Dahil mahal natin ang isa't Isa" sagot Niya ... Eh?
"Anong connect ? Aw !" Napahawak ako sa noo ko dahil pinitik niya Ito
"Huwag mo ng isipin yun , tara na maghohoneymoon pa tayo" Saad niya , bahagya akong napalayo sa kanya kaya napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo
"Ho... honeymoon ?" Bigla tuloy akong kinabahan
"Oo , bakit ?" Biglang nag iba Ang timpla ng mukha niya at naging seryoso
"Ah....ka..kasi kailangan ba talag mag ... Honeymoon" Saad ko at hininaan ko yung huli sapat Lang na marinig niya.
"Of course !! Dahil mag asawa tayo" sagot niya
"May problema ba ?" Napalingon kami Kay mommy Victoria ng magtanong siya sa amin
"Ahm wa..wala po mommy alis na po kami , pupunta pa kasi kami ng love ko sa honeymoon namin" sagot ko and link my arms to Rayleigh "let's go Mi amor" (My love) dugtong ko at nginitian siya dahilan para mapangiti rin siya.
Isa lang ang masasabi ko , Ang swerte ko sa asawa ko kahit bipolar siya , lahat gagawin niya para sa akin at ganun rin naman ako sa kanya and I know he will be a responsible father to our children soon.
"I love you my love"
"I love you more my love"
Our story begins in hatred , hate and war but it always end up loving each other.
***The End***
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)
Teen FictionSynopsis: Its all started in a deal of their grandparents . The Clinton family and the Deux family are best friends , and because of their friendship they decided to have an agreement . This agreement is that , their grandchildren should marry one o...