Chapter 44

2.6K 54 4
                                    

Author's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's POV

Naalimpungatan mula sa pagkakatulog ang dalaga ng may naramdaman siyang isang malamig na dumampi sa kanyang balat.

"Hindi ko alam kung bakit , baliw na baliw ang anak ko sayo ? Hindi ka naman kagandahan at mas lalong hindi ka kalevel niya , pero ikaw ang nagustuhan niya !! Ano bang ginawa mo at baliw na baliw ang dalawang magpinsan sa iyo ? lalo na si Rayleigh ?!" sigaw niya habang pinalandas niya ang matulis na kutsilyo sa katawan ni Savannah .. napasinghap si Savannah ng diniin ang kutsilyo sa balat niya , ramdam niya ang hapdi at kirot nito ... kahit hindi niya ito nakikita alam niyang si Evangeline ito ...

"Pakiusap Tita Evangeline , itigil mo na ito ! kahit para lang sa anak mo" usal ni Savannah pero isang malakas na sampal ang natanggap niya.

"Titigil lang ako kapag nawala na kayo sa landas namin ng anak ko !!" sigaw niya , itatarak na niya sana ang kutsilyo ng biglang may pumasok sa loob ng silid kung saan sila naroroon.

"Madam" tawag nito

"ANO ?!" inis nitong tanong habang nanlilisik ang mga mata nito , bahagya namang napaatras ang lalaki , at ngumiti ito ng malapad na mas kinainis ni Evangeline

"Sa tingin ko po madam , mas mapadali ang binabalak mo" panimula nito

"Pwede ba !!! wag mo akong bitinin !! kung ayaw mong sayo ko 'to isaksak !!!" singhal ni Evangeline , nakikinig lang si Savannah sa kanila at ramdam niyang may hindi magandang mangyayari , ilang segundo ang lumipas ay bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang lalaki na may dalang isang lalaki na halos hindi na mamukhaan dahil sa mga bugbug na natamo nito sa buong katawan , may mga sugat rin ito

"Well , well , well ... tignan mo nga naman , trying to be a hero ha ... look what happened ? hahahahaha nandito na ang hero mo Savannah hahahaha" biglang nagpintig ang tenga niya sa narinig

'Hindi ! hindi maaaring siya yan !' sigaw niya sa kanyang isipan

"Argghhh" mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig niya ang daing nito

"Anong ginagawa niyo sa kanya ?!!!" sigaw niya habang nagpupumiglas mula sa pagkakatali at agad lumandas ang mga luha mula sa kanyang mga mata

Lumapit si Evangeline sa kanya at tinanggal ang piring niya sa mata , papikit-pikit pa si Savannah dahil nanlalabo pa ang mga mata niya at nag-aadjust pa ito , ng malinaw na ito ay nakikita na niya ang kanyang paligid at ang taong hindi niya inaasahang makikita sa lugar na iyon.

"Ra...Rayliegh ?!" bulalas niya , "Anong ginawa niyo sa kanya ?!!" sigaw niya ulit

Hindi sumagot si Evangeline sa kanya at tumalikod lang ito , bago siya lumabas sa silid na iyon ay may sinabi pa siya

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon