Author's POV
Habang nagkasiyahan sa loob ng bahay ng pamilyang Clinton , di nila alintana ang mga kalalakihan na pumasok sa loob .. agad pinatay ang electric supply nila dahilan para mamatay lahat ng ilaw , at maisagawa ang binabalak nila yun ay ang pag dukot kay Savannah. Nagtagumpay nga sila sa plano nila at dinala si Savannah sa warehouse kung saan nandoon din ang nag-utos sa kanila.
"Nakuha na po namin siya boss , anong gagawin namin sa kanya ?" tanong ng isang lalaking naka bonnet
"Wala kayong gagawin sa kanya , ipasok niyo siya sa isa sa mga kwarto dito , at ihanda niyo ang yate na sasakyan natin" saad nito sa kanyang mga tauhan
"Opo boss" sagot nila
Dinala nila si Savannah sa loob ng isang kwarto , napakadilim dito at tanging munting ilaw lang ng buwan ang nagsilbing liwanag sa loob , pero kahit ganun .. madilim pa rin ito , makapal din ang alikabok dito at nagkalat ang mga karton sa paligid . Pagkatapos nilang maipasok si Savannah sa loob ay sinirado nila ito at siniguradong hindi ito mabubuksan.
Samantala , palihim namang nagmamasid si Bianca sa kanila .. napatingin siya sa susi na nasa beywang ng lalaking kulot ang buhok at puno ng tattoo ang katawan.
'Kailangan kong makuha ang susi na iyon' saad niya sa kanyang isipan
Agad siyang umalis sa pinagtataguan niya at tinungo ang isang silid sa warehouse
"I need your help" saad niya sa taong nakaupo sa nakatambak na mga cartoons , inangat nito ang kanyang ulo dahil nakayuko ito na tela may iniisip
"Bianca" mahinang tawag niya , bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at kaba na baka may makakita sa kanilang dalawa , agad niyang hinila si Bianca at sinirado ang pintuan "Anong ginagawa mo dito ?!" mariin ngunit mahinang tanong nito , na tanging sila lang ang nakaririnig
"I need your help" saad ni Bianca
"Bianca , napakadelekado ang pinasok mo ! pag nalaman nila ang pinagagawa mo ! pwede ka nilang patayin alam mo ba yun ?!" pero tinignan lang siya ni Bianca na walang emosyon ang mukha
"Matagal na akong pinatay , kung papatayin man nila ako , wala akong pakialam ... total , wala rin namang nagpapahalaga sa akin .. kaya please lang , tulungan mo ako .. wag kang mag-alala hindi kita idadamay kung sakali mang mahuli ako" saad niya , napahilamos na lang ng mukha ang kausap ni Bianca na si Tyler .. si Tyler ay katulad rin nila na walang magawa kundi maging sunod-sunuran , at gaya ni Bianca pinatay din ang mga magulang niya
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)
Teen FictionSynopsis: Its all started in a deal of their grandparents . The Clinton family and the Deux family are best friends , and because of their friendship they decided to have an agreement . This agreement is that , their grandchildren should marry one o...