Chapter 1: A Half-Zombie's Point of View?

66 1 2
                                    

Ang mga tao talaga. Hindi na natuto.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo at bitawan niyo 'yang mga armas niyo!" banta ng isang Police Officer habang itinututok ang hawak niyang baril sa kanila.

Ang tanga ng pulis. Sa tingin ba niya nasa pelikula siya ngayon? Ang tanga naman niya para sabihing 'Itaas niyo ang mga kamay niyo at bitawan niyo 'yang mga armas niyo!" gayong alam naman ng lahat na hindi yun gagawin ng mga lalaking 'yon.

Nagkaroon ng mainit na titigan sa gitna ng mga pulis at mga holdaper. Ang mga tangang pulis ay hindi nagpapatinag. Ang tanga talaga. Dalawa lang sila, apat ang huhulihin nila. Ni hindi man lang nagtawag ng back-up. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga kinikilos nila mula sa bintana ng Coffee Shop na katabi ng bangko na hinoldap ng apat na lalaki. Pero hindi sila tumawag ng back-up mula ng makarating sila sa pinangyarihan ng insidente.

Nagsilabasan ang mga customer ng Coffee Shop para maki-usyoso sa pangyayari. Ang iba naman ay nakuha pang mag-video. Ikakalat pa yata sa internet. Yung iba naman, mga estudyante, nakuha pang mag-selfie. Panigurado, ipagyayabang nila sa mga classmates nila yan. Eh ano naman ang karapat-dapat na maipagyabang doon? Ipagyayabang nila na nakaligtas sila sa ganong sitwasyon? Na hindi sila nabaril ng mga kriminal na 'yon? Na hindi sila ginamit bilang hostage ng mga holdaper para sila'y makatakas?

Katangahan. Katangahan ang pinaiiral.

"Ma'am. Hindi pa po ba kayo lalabas?" tanong ng waiter sa akin. Isasarado na yata niya ang shop. Kung sa bagay, baka ito rin mabiktima.

Tumayo naman ako at tinignan siya sa mga mata. Napansin kong bigla na lang siya namutla. Hindi ko na siya sinagot pa at nagpasyang umalis na ng Coffee Shop. Baka kung ano pa ang masabi niya.

Nakakalungkot isipin na inaaksaya nila ang mga buhay na binigay sa kanila. Sila na may pusong tumitibok. Sila na may pag-asa. Sinasayang nila ang bawat pagkakataon nila. Yung mga holdaper, pwede naman silang maghanap ng hanapbuhay na mas marangal. Hindi yung nakaaabala pa sila sa ibang tao at nagdudulot ng matinding takot at kalungkutan. Yung mga taong nakiki-usyoso sa pangyayaring 'yon, pwede naman silang lumayo na lang sa lugar na 'yon para maging ligtas. Yung mga estudyanteng nagse-selfie, pwede naman silang umuwi na lang at mag-aral. Sinasayang lang nila ang oras nila.

Ako. Bakit ko nga ba inubos ang oras ko sa panonood ng pangyayaring 'yon? Madali lang ang sagot diyan.

Wala naman akong buhay na sasayangin. Wala akong aaksayahing oras.

I'm Adelaide Lovelace. Ada(ey-duh) ang tawag sa akin ng iba. Senior highschool at walang ka-thrill-thrill sa buhay. Ang favorite past time ko ay panoorin ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa siyudad na 'to. Kinalakihan ko na 'to. Kilala ko na nga halos lahat ng tao dito, pero hindi nila ako kilala. Ang alam lang nila, isa akong hindi pangkaraniwang tao. Kung bakit ganon ang tingin nila sa akin ay wala na akong pake. Makakalimutan din naman nila ako once na dumaan ako sa paningin nila. Pagkatapos non, kalimutan na.

Ayon sa isa kong kaklase, na nagngangalang Mei Long-isang chinese na napadpad sa Pilipinas sa hindi malamang dahilan, napakaputla ko daw. Parang patay. Parang zombie. Bakit ba hindi na lang niya tanggapin na di hamak na mas light ang skin tone ko kaysa sa kanya? Sinabi ko 'yon, pero pinagpilitan pa rin niya. Tingin niya, hindi normal 'yon. Kaya, kumalat sa buong academy ang bali-balita na isa akong zombie. Rawwr. Simula noon, nilayuan na ako ng mga kakilala ko. Pati mga tinuring kong best friend, lumayo din.

That news was half-true. Hindi pa ako patay at lalong hindi ako zombie. Sadyang maputla lang talaga ang kulay ng balat ko with matching super black and straight hair. Kaya mas lalong na-emphasize ang kaputian ng balat ko. Pasensya na, wala akong pambayad sa pagpapakulay ng buhok. Tiis-tiis muna.

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon